‘Kaginhawahan at pag-asa’ maaari nang basahin online sa “wikang kinalakhan” mo

0
Bakit Magandang Mag-aral ng Bagong Wika? (Photo: jw.org)

BAKA magulat ka at mamangha na puwede mo nang basahin online ang “wika ng iyong puso” o lenguwahe na kinalakhan mo lalo na kapag matagal mo na itong hindi binibigkas dahil naroroon ka sa lugar na iba ang ginagamit mong salita.

Ang Blaan, Chavacano, Filipino Sign Laguage, at Waray-waray ay ilan lamang sa 1,087 wika na mababasa sa JW.ORG, ang ‘most translated website in the world.’

Pinasisigla ng nasabing website ang bawat isa na muling balikan ang ‘wika ng puso’ mo kasabay ng paggunita sa ‘International Mother Language Day’ bukas, Pebrero 21.

Ayon sa Global Education Monitoring Report ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO), sa buong mundo, nasa 40% mga tao ang hindi nakakakuha ng edukasyon sa wikang naiintindihan nito.

Bilang karagdagan sa mga katutubong wika na nabibigkas, mapapanood din sa JW.ORG ang higit sa 100 sign languages maliban pa sa reading materials sa anyong Braille para sa mga bulag at mga ipinanganak na may malabong paningin.

Ang mga nilalaman ng nasabing website ay dinisenyo para sa praktikal na pamumuhay—mga artikulo tungkol sa buhay pampamilya, mental na kalusugan, kapayapaan at kaligayahan, mga video animation para sa mga bata at tinedyer, Bibliya online at Bible Study courses at maraming iba pa.

Kilala ang mga Saksi ni Jehova sa buong mundo pagdating sa gawaing pagsasalin. Nitong nakaraang Hunyo 20, 2021 lamang, inilabas nila ang New World Translation of the Holy Scriptures sa wikang Bicolano (Bagong Kinaban na Traduksiyon kan Banal na Kasuratan).

Ang wikang Bicolano ay ginagamit ng halos 5.8 milyong katao na nakatira sa timugang bahagi ng Luzon o kilala sa tawag na Bicolandia.

Kapansin-pansin na noong 2021 sa International Mother Language Conference and Festival na inorganisa ng Department of Linguistics sa Unibersidad ng Pilipinas—Diliman, kinilala ang mga Saksi ni Jehova sa kanilang gawaing pagsasalin.

Dinaluhan ang nasabing pagtitipon ng mga edukador, international policy makers, researchers at mga iskolar mula sa 12 bansa.

Binigyang-diin ni Elnathan Lee, isang Saksi ni Jehova na tagapagsalin, na maliban sa serbisyo publiko, ang gawaing pagsasalin ng mga Saksi ni Jehova ay may mahalagang layunin—ang gumawa ng madaling maintindihan, walang limitasyon at maaaring magbigay ng kaalaman at pag-asa sa kanilang mga mambabasa.

Bukod sa pagsasalin ng Bibliya, todo-suporta rin ang mga Saksi ni Jehova sa kanilang Remote Translation Offices sa buong daigdig kung saan pinahihinutulutan nila na makisalamuha ang kanilang mga tagapagsalin sa mga tao sa kanilang komunidad na nagsasalita ng wikang isinasalin ng mga ito.

Nagresulta ito sa isang uri ng salin na tumpak at madaling maunawaan.

Narito ang ilan sa mga ganap kaugnay sa gawaing pagsasalin ng mga Saksi sa buong mundo:

Makakakuha ka rin sa JW.ORG ng karagdagang mga impormasyon kung bakit mahalaga at kapana-panabik ang matuto ng ibang wika, tulad ng mga artikulong, “Bakit Magandang Mag-aral ng Bagong Wika?” at “Mga Tip sa Pag-aaral ng Ibang Wika.”

Noong 2022, ang JW.ORG ay 25 taon na. Narito ang 24 na wika sa Pilipinas na maaaring ma-access sa website: Abaknon, Bicol, Blaan (Sarangani), Cebuano, Chavacano, Filipino Sign Language, Hiligaynon, Ibaloi, Ibanag, Ifugao, Iloko, Inakeanon, Itawit, Ivatan, Kamayo, Kankanaey, Kinaray-a, Maguindanao, Maranaw, Pangasinan, Surigaonon, Tagalog, Tausug at Waray-Waray.

Bisitahin ang JW.ORG para sa karagdagang impormasyon.

About Author

Show comments

Exit mobile version