University of Manila: Todas lahat nang kumakalaban! – Tulfo

0

TUMINDIG ang balahibo ni Senator Raffy Tulfo nang mapakinggan sa speaker phone ang
pagbabanta diumano ng pangulo ng University of Manila (UM) na “namamatay lahat ng
kumakalaban sa unibersidad”.


Naganap ang pagbabanta noong Hulyo 25 sa isang pagpupulong kasama ang 80 sa 140 na
nagrereklamong graduating students na hindi makapagtatapos dahil ibinagsak ng iisang propesor.


Kinastigo ni Tulfo ang UM dahil sa mga iregularidad na naganap sa 140 civil engineering students
na matapos pagbayarin ng (P1,850) graduation fee ay sinabihan na hindi sila pwedeng
grumadweyt dahil bagsak sila sa apat na subjects.


Nakaharap ng mga nagreklamong estudyante noong Hulyo 25 ang mga opisyal ng UM kasama ang
kinatawan ng Commission on Higher Education (CHEd) at TV crew ni Tulfo.


Matatandaang puro 70 percent o failing grade ang nakuha ng mga nasabing mag-aaral. At
matapos silang ibagsak, nagresign ang propesor na nagbagsak sa kanila.


Ayon pa kay Tulfo, isang patunay na may iregularidad at hindi makatarungan ang ginawa sa civil
engineering students, ay ang mga katanungan sa test papers na nanggagaling sa presidente ng
eskwelahan, at sa mga tanong na ito ay walang tamang sagot – “nakadepende lamang sa kapritso
ng gumawa ng tanong”.


Ayon sa obserbasyon ni si Atty. Spocky Farolan ng CHEd na naroroon sa pagdinig, na-estafa raw
ang mga estudyanteng ito. Idinagdag pa niya na maraming violations ang unibersidad.


Dahil dito, kaagad nag-draft ng Senate Resolution – in aid of legislation – si Tulfo para magkaroon
ng malalimang imbestigasyon.


Ipatatawag sa Senado ang pangulo at mga opisyal ng UM, CHEd, kasama ang past at present
students na nabiktima rin ng baluktot na sistema ng unibersidad.

About Author

Show comments

Exit mobile version