Nagpaabot ng pakikiramay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Japan matapos itong tamaan ng magnitude 7.6 na lindol.
Kaugnay nito, nangako si PBBM na handang magbigay ng tulong ang Pilipinas sa Japan.
Tiniyak din ng Pangulo sa publiko na binibigyang pansin ng pamahalaan ang kaligtasan ng mga Pilipino roon.
Ayon sa Philippine Embassy sa Japan, walang nasaktan o namatay na pilipino dahil sa malakas na lindol, at tiniyak din ni DMW OIC Undersecretary Hans Leo Cacdac na binabantayan ng kanyang departamento ang kalagayan ng mga Pinoy doon.
Dagdag pa ni Usec. Cacdac, may kabuuang 1,194 na Pilipino sa nabanggit na mga lugar, kung saan mayroong 469 Pinoy sa Ishikawa at 725 naman sa Toyama.
Related Posts:
Tv show ni digong, dapat imbestigahan ng MTRCB – Solon
220,000 bagong trabaho saUs$4.2-b saudi investments sa bansa
Amyenda sa SEF ng LGU para sa edukasyon suportado ni Abalos
Imbestigasyon vs D30, Bato ‘tuloy - ICC
PRC magpapadala ng 35 doktor sa Gaza
Sarah Discaya: Salamat dahil nakilala ako at nanalo sa pagkakaroon ng bagong mga kaibigan
Presyo ng bigas, pwedeng maibaba sa ₱20 – Villar
5 DepEd executives, nagbitiw na sa puwesto
About Author
Show
comments