1 patay, 1 sugatan sa pananaksak sa Navotas

Todas  ang isang menor-de-edad na lalaki habang sugatan naman ang isang pintor na nagtangkang umawat matapos pagsasaksakin ng dalawang menor-de-edad na lalaki sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot pa ng buhay sa Navotas City Hospital sanhi ng tinamong mga saksak sa katawan ang menor-de-edad na biktima habang ginagamot naman sa Tondo Medical Center (TMC)  si Ramon Doinog IV, 23-anyos, residente ng ERC St., B. Cruz, Brgy. Tangos, Navotas City.

Nagtamo si Doinog ng saksak sa likod.

Sa ulat ni police investigator PCpl Florencio Nalus kay Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, naganap ang insidente bandang 7:00 ng gabi sa kahabaan ng A. Cruz St., corner B. Cruz St., Brgy. Tangos North, Navotas City.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, habang naglalakad  si Doinog sa nasabing lugar ay nakita nito ang  menor de edad na pinagsasaksak ng isa mga suspek kaya tinangka nitong umawat.

Gayunman, sinaksak din si Doinog sa likod ng isa pang suspek bago mabilis na nagsitakas patungong B. Caseñas St.

Isinugod naman ang mga biktima sa NCH hospital, subalit idineklarang dead-on-arrival ang binatilyo habang inilipat naman sa TMC si Doinog.

Samantala, agad n inatasan ni P/Lt. Alexander Calabucal, Commander ng Navotas Police Sub-Station 2 ang kanyang mga tauhan na magsagawa ng hot pursuit operation na nagresulta sa pagkakadakip sa dalawang menor-de-edad na mga suspek at narekober sa kitchen knife na ginamit sa pananaksak. 

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...