P2-M Civil complaint inihain ng GMA-7 brodkaster

0

RED-TAGGING sa kanya at sa pamilya niya. Ito ang pinag-ugatan ng P2 milyong civil complaint ng broadcast journalist na si Atom Araullo, laban kina dating Anti-Insurgency Task Force spokesperson Lorraine Badoy at dating Komunistang rebelde na si Jeffrey Celiz.


Isinampa ang kaso noong Lunes sa Quezon City Regional Trial Court. Kasama ni Araullo ang
kanyang mga abogado na sina Tony La Viña and Rico Domingo, na mga tagapagtaguyod ng
Movement Against Disinformation (MAD),


Nag-ugat ang reklamo ni Araullo ang mga mapanirang-puri na pahayag nina Badoy at Celiza laban
sa kanya at sa kanyang pamilya sa SMNI network pati rin na sa ilang social media platforms.


Binansagan diumano si Araullo na anak ng isang aktibong lider ng CPP Central Committee.
Inakusahan din daw siya na nagplano ng mga pag-atake laban sa gobyerno, gamit ang mga
dokumentaryo o nilalaman nito na kanyang nilikha, kaakibat ng mga propaganda ng CPP-NPA.


“I initially chose to ignore their attacks owing to their apparent absurdity. But because I’ve seen how treacherous, persuasive, and harmful disinformation can be, especially when left unchecked, I have resolved to push back. I am doing this for the safety and well-being of my family, but I also hope it contributes a modest way to protecting press freedom in general,” pagdiriin ni Araullo.


Ayon kina La Viña at Domingo, nilabag daw nina Badoy at Celiza ang Artikulo 19, 20, 21, 26 at 33
ng New Civil Code, na nagbibigay-proteksyon sa karapatan ng bawat indibiduwal, dignidad,
pakikipag-kapwa, na kung nilabag ay magdudulot na labis na kasiraan at perhuwisyo sa
reputasyon, peace of mind, at personal na relasyon.


Naghain nang katulad na reklamo laban kaina Badoy at Celiz ang ina ni Atom na si Carol
Pagaduan Araullo, Chair, Emeritus ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) nitong nakaraang
linggo, dahil sa walang-humpay na red tagging.


Nagsilbing assistant secretary si Badoy ng Department of Social Welfare and Development sa
administrasyong Duterte, at naging tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist
Armed Conflict o NTF-ELCAC.


Samantala, ako kay Celiz, sa isang broadcast sa SMNI kahapon, sinabi niya na dapat kondenahin
ng mag-inang Araullo ang teroristang CPP-NPA sa diumano, sa lansakang mga pagpatay nito sa
mga inosenteng mamamayan, pangongotong sa telcos, pag-ambush sa mga pulis at sundalo, at
pagre-recruit ng mga bata para maging rebeldeng sundalo.

About Author

Show comments

Exit mobile version