₱910 kada araw minimum wage, nais ng Kamara

PINAG-AARALAN ng Kamara na itaas ang arawang sweldo mula ₱350 hanggang

“Sa sobrang taas ng mga bilihin, hindi sapat ang ₱100. Mas mabuti kung gagawin itong mas mataas, katulad nang ginagawang pag-aaral ngayon ng Kongreso,” ayon kay Iloilo Rep. Janette Garin.

Hiniling ng Nagkaisa — ang pinakamalaking koalisyong ng mga manggagawa —sa Kamara na magpasa ito ng sariling bersyon ng pagtataas ng sahod.

Mabilis na umalma ang Employers Confederation of the Philippines (ECoP) at sinabing, “Mahihirapan “tayong maka-engganyo ng mga banyagang imbestor kung magiging mas mahal ang pag-iinvest sa Pilipinas.”

Pero nauna nang sinabi ni Sen. Chiz Escudero na ang ₱170 na dagdag sa arawang sahod ay 14 percent lamang ng tubo ng mga negosyong may taunang kita na ₱1.1 trillion, Sa small enterprises na may 1.8 milyong kawani, ito ay katumbas lamang ng 17 percent. Dapat daw munang magpakita ng datos ang mga negosyante, sa halip na magbanta.

Sinabi ng isang observer na taliwas sa sinabi ni ECoP President Sergio R. Ortiz-Luis, Jr., na magiging mahal ang pagnenegosyo sa bansa, ang tunay na dahilan ay ang sobrang mahal ng kuryente, sobrang trapik na nagpapalaki ng gastos, sobrang baba ng halaga ng piso kontra dolyar, at ang mahirap na proseso ng gobyerno para sa mga nais magnegosyo ang pangunahing dahilan, hindi ang sweldo, kaya iniiwasan ng mga banyagang imbestor ang bansa.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...