3,510 Pasaway na motorista, tiklo sa LTO

0

UNANG buwan pa lamang ng 2024, umabot na sa 3,510 motorista ang nahuli ng Law Enforcement Unit ng Land Transportation Office-National Capital Region (LTO-NCR).


Karamihan sa mga nahuling motorista ay lumabag sa Republic Act No. 4136, o ang Land Transportation and Traffic Code.

Ilan sa mga paglabag ay ang pagmamaneho ng lasing, paglabag sa Anti-Distracted Driving Act o paggamit ng cellphone habang nagmamaneho, hindi pagsusuot ng seat belt ng kotse, hindi pagsunod sa Children Safety on Motorcycle Law, hindi pagsusuot ng motorcycle helmet, at pagmamaneho ng sasakyang expired ang rehistro.


Ayon kay LTO-NCR Regional Director Roque Verzosa II, tuloy-tuloy ang kanilang operasyon sa National Capital Region para mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng mga motorista at pedestrian.

About Author

Show comments

Exit mobile version