389 Marikeños, nakinabang sa libreng TDC

MAY 389 residente ng Lungsod ng Marikina ang nakapagtapos ng libreng Theorerical
Driving Course (TDC) nitong Peb. 10 at 11 na ginawa sa lungsod.


Ang proyekto ay ginawa sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaaan ng Marikina at
ng Land Transportation Office (LTO). Ito’y bahagi ng outreach program ni Pangulong
Ferdinand Marcos Jr. sa ilalim ng Bagong Pilipinas.


Sinabi ni LTO Chief Vigor Mendoza II, ang programa ay ginawa sa LTO Marikina District Office para sa taga-Barangays Fortune, Nangka, San Roque at Tañong.


Nagsagawa rin ang LTO ng pre-registration para sa nais mag-apply ng driver’s license.


Labis na nagpasalamat ang mga residente ng naturang barangays sa LTO at sa kanilang
punong lungsod na si Marcy Teodoro dahil sa libreng TDC. Isa ang lungsod ng Marikina sa may pinakamahusay sa pagpapatupad ng batas-trapiko sa buong bansa.


Matatandaang inatasan ni Mendoza ang lahat ng LTO Regional Directors at District Office heads sa buong bansa na magsagawa ng libreng TDC programs para maturuan ang mga gustong kumuha ng driver’s license na maging disiplinado at magkaroon nang kasanayan sa ligtas na pagmamaneho.


Ang mga pribadong driving school ay naniningil ng ₱1,000 o higit pa para sa TDC.


“Sa pagtutulungan ng inyong LTO at LGUs, naniniwala ako na, we will be able to
produce more responsible and disciplined motorists at tuluyang maba[ba]wasan ang
mga kaso ng unnecessary road accidents at pati na rin ang mga kaso ng road rage sa
ating bansa,” ayon kay Mendoza.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...