Programa ng tesda, hindi tugma sa job demand

0

PINUNA ni Senador Win Gatchalian ang hindi tugmang mga programa ng TESDA sa mga
pinaka pinaka-in-demand na trabaho hanggang 2025.


Ayon sa survey ng DoLE-Bureau of Local Employment (DoLE-BLE) at TESDA, ang mga
sektor ng information technology, business process management (IT-BPM), construction,
logistics, agriculture, at health ang inaasahang may pinakamataas na paglago at lilikha ng
pinakamaraming trabaho hanggang 2025.


Gamit ang datos ng TESDA, sinuri ng tanggapan ng senador ang Technical-Vocational
Education and Training (TVET) para sa 2022. Lumalabas na ang limang sektor na may
pinakamataas na enrollment sa TVET ay ang agriculture, forestry, and fishery (18.3%), tourism
(16%), programs with no training regulations (14.7%), automotive and land transportation
(9.6%), at social, community development and other services (8.3%).,


“Nakakabahala na nagbibigay tayo ng mga scholarship programs sa graduates na hindi
nakakapagtrabaho sa mga lumalagong industriya ng ating bansa,” ayon pa sa chair ng Senate
Committee on Basic Education at EDCOM II Co-Chairperson.


Ayon sa Labor Force Survey, magmula noong Hunyo 2021, natuklasang sa senior high school
graduates na kumuha ng tech-voc livelihood track, kalahati lamang o 50.6 percent ang
nagtatrabaho sa mga elementary occupations. Ayon kay Gatchalian, hindi ito ang ipinangako ng
programang senior high school na makapag-produce ng graduates na handang magtrabaho.


Isa sa mga panukala ni Gatchalian upang paigtingin ang kahandaang magtrabaho ng mga senior
high school graduates ang Batang Magaling Act (Senate Bill No. 2367). Layon ng panukalang
batas na tiyaking handa ang senior high school graduates sa trabaho, sa negosyo, o sa middle-
skills development. Layon din nito na magbigay ng mga libreng national competency
assessment sa mga mag-aaral ng senior high school.

About Author

Show comments

Exit mobile version