Suspek sa Cebu pawnshop robbery, pumasa sa Bar exams

“MASTERMIND” daw sa isang pawnshop robbery sa Cebu, nakapasa sa 2023 Bar
Examinations!


Pwede itong pang-Guinness World Records!


At malamang nagtatalon sa tuwa — kahit nasa loob pa ng kulungan si Jigger Geverola — nang nabalitaan niya nitong Martes, Disyembre 5, na nakapasa siya sa 2023 Bar Examinations.


Kasalukuyang nakabilanggo si Atty. Jigger sa Cebu City Jail matapos siyang kasuhan nang
pagma-mastermind sa pagnanakaw sa isang bahay-sanglaan sa lungsod na ito noong Nobyembre 25.


Inaresto ng pulisya si Jigger tatlong araw matapos ang robbery, nang kilalanin siya ng dalawang nahuling suspek na siya ang nag-utos sa kanila na dalhin ang getaway car sa isang buludunduking lugar sa Argao, Cebu.


Nang nalaman ng misis ni Jigger na isa siya sa 3,812 na nakapasa sa Bar, agad siyang binisita nito sa kulungan.


Sinabi ni Celsa, ina ni Jigger na wala itong kinalaman sa krimeng ibinibintang sa kanya, sana raw ay malinis ang pangalan ng kanyang anak.


Sinabi ni Jigger na kapag nakalaya na siya, tutulungan niya ang mga nakabilanggo sa Cebu City Jail nang libre o pro bono para makamit nila ang hustisya.

IBA PANG BALITA

Agarang safety checks, emergency support sa 6K eskuwelahan sa Mindanao na apektado ng lindol iniutos ni Angara

INIUTOS ni Education Secretary Sonny Angara ang agarang mobilisasyon ng safety checks at emergency support sa mga apektadong paaralan sa Mindanao kasunod ng naganap...

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...