Mararamdaman ng mga mamimili ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa unang quarter ng susunod na taon.
Aminado si Trade Asec. Amanda Nograles na hindi nila mapipigilan ang mga manufacturer na magpatupad ng umento sa kanilang mga produkto dahil maaapektuhan naman ang negosyo at empleyado ng mga ito.
Nahihirapan din aniya ang DTI na balansehin ang mga mamimili at manufacturers na kapwa apektado.
Samantala, tiniyak naman ni Asec. Nograles na patuloy nilang binabantayan ang presyo ng mga bilihin.
Related Posts:
About Author
Show
comments