Inilunsad ng Food and Drug Administration ang Task Force “Alectryon” upang tutukan ang evaluation ng avian influenza or bird flu vaccine.
Pinangungunahan ni FDA Director General Dr. Samuel Zacate ang naturang task force na itinatag upang paigtingin ang mga hakbang laban sa pagkalat ng highly pathogenic avian influenza virus.
Ayon sa ahensya, pagtutuunang pansin ng task force ang pag-streamline sa evaluation ng mga aplikasyon para sa avian influenza drugs at mga bakuna.
Binigyang diin ng FDA na mahalaga ang naturang bakuna para sa komprehensibong pagtugon sa avian flu virus.
Sa ngayon ay wala pang naisumiteng aplikasyon para sa Certificate of Product Registration ng avian influenza vaccine sa FDA.
Related Posts:
Richard, masaya kina Ruffa, Bistek
Impeachment vs. VP Duterte, hindi tuloy?
Mayor Marcy umalma sa ‘political persecution,’ mga alegasyon lalabanan
Trabaho dapat ilaan sa 10% na Katutubo
Paperwork ng mga titser mababawasan ng 57%
Pinoys na naiipit sa Gaza, nahihirapang tumakas
US$11-B utang ng ‘Pinas sa WB ginawang “fixed rate”
E-boat ibinida ng DOST
About Author
Show
comments