Krisis sa tubig sa NCR, iba pang lugar

0

MAY nakaambang krisis sa tubig sa Metro Manila at maraming lugar sa bansa.

Ito ay dahil sa patuloy na pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat at iba pang dams sa bansa, dahil sa tagtuyot at matinding init na dulot ng El Niño.

Ayon sa ulat ng Pagasa Hydrometeorology Division, bumaba sa 206.45 meters ang water level ng Angat Dam kahapon ng sa umaga. Ito ay mas mababa ng 0.27 meters mula sa 206.72 meters nitong Biyernes.

Ang Angat Dam ang nagsu-supply na tubig sa malaking bahagi ng Metro Manila at mga kalapit na probinsiya.

Ayon kay MWSS Dept. Manager Patrick Dizon, bumababa ang water level ng Angat Dam sa average na 17 centimeters bawat araw dahil sa kakulangan ng pag-ulan.

Samantala, may pagbaba ng 0.08 meters mula sa 76.82 meters kahapon ang tubig sa La Mesa dam, mula sa 76.74 meters. Nasa 80.15. meters ang normal high water level ng dam.

Ang Binga Dam sa Itogon, Benguet, ang nagtala ng pinakamataas na antas ng pagbaba ng tubig sa loob ng 24 oras, na umabot sa -0.99 na pagbaba.

Kinakitaan din nang pagbaba ng water level ang Ambuklao, Binga, San Roque, Pantabangan, Magat, at Caliraya Dams.

Pinayuhan ng MWSS ang publiko na magtipid at mag-recycle ng tubig.

About Author

Show comments

Exit mobile version