Toots Ople, kampeon ng OFWs, 61

0

PUMANAW na noong Agosto 22, Martes, si Secretary Susan “Toots” Ople, ng
Department of Migrant Workers (DMW), sa edad na 61.


Si Susan ay bunsong anak ni dating Labor Minister at Senador Blas Ople Sr., na siyang
instrumental sa pagbuo ng Labor Code of the Philippines.


Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kahapon na isang malaking kawalan para sa
kanya, lalo na sa bansa, ang maagang pagkawala ng isang kaibigan.

Pinuri rin niya ang napakahusay na paglilingkod ni Ople lalo na sa pagtataguyod ng

kapakanan ng migrant workers.


Sinabi noon ni Marcos sa kanyang SONA na siya raw ay “confident” na magiging
mahusay ang performance ng kanyang team dahil “May Susan Ople sa gabinete ko”.


Ang pagpanaw ni Toots ay isang malaking dagok sa pamilya Ople, dahil magkasunod
na pumanaw ang kanyang mga kapatid na sina dating Hagonoy Mayor Felix ‘Toti’ Ople
at Blas Ople Jr. dahil sa sakit na cancer. Si Toots ang bunso sa pitong magkakapatid.


Bilang public servant, ginamit Toots ang kanyang buong buhay sa walang-sawang
pagtulong sa ating mga kababayan, lalo na sa Overseas Filipino Workers (OFWs) na
inaabuso sa iba’t-ibang bansa, sa pamamagitan ng Blas Ople Foundation, at kinalaunan
ng DMW.


Noong 2013, tumanggap si Susan ng Trafficking in Persons Hero Award mula kay US
Secretary of State John Kerry sa Washington DC. Tumanggap din siya ng iba’t-ibang
awards sa ating bansa.


Isa sa mga pangarap ni Ople ang pagkakaroon ng programa na tutuldok na sa
pagtatrabaho ng ating kasambahay at iba pang low-paying OFWs sa ibang bansa, para
maiwasan ang tuluyang pagkawasak ng pamilyang Pilipino. Ito ay sa pamamagitan
nang pagbubukas ng maraming oportunidad para sa negosyo o entrepreneurship, at
matatag na trabaho.


Lubos pong nakikiramay ang buong team ng Brabo News sa pamilya Ople.

About Author

Show comments

Exit mobile version