Masaya si Bunny paras sa relationship ng anak na special child

VERY challenging talaga ang magkaroon ng special child para sa kahit na sinong magulang.
Pumayag si Bunny Paras sa anak na si Moira Greenway na iwan sila at manirahan sa Florida
USA. May sakit si Moira na Friedreich Ataxia.


Ayon sa National Institute of Neurological Disorders and Stroke, ang Friedreich ataxia ay
namamanang sakit na patuloy na sumisira sa nervous system, na labis na apektado ang
pagkilos ng isa. Ito’y dahil sa ang nerve fibers sa spinal cord ay numinipis at animo’y
nabubulok.


Nakatira ngayon ang mag-asawang Bunny at Tom Greenway sa California, pero bumili sila ng
bahay sa Florida para tirhan ni Moira at ni Nick Asbury, ang boyfriend nito, ayon sa ulat ng
Pep.ph.


Dahil sa unconditional love ni Bunny kay Moira, hindi siya tumutol na makipagrelasyon ang
anak. Dagdag pa niya, “Miss ko si Moira, pero I want her to be happy with Nick kasi one of a
kind din ang boyfriend niya… Talagang mahal siya kahit ang dami nilang pinagdadaanan na
health challenges.


Mahal din ni Bunny si Nick dahil nakita niya ang pagmamahal at pagsasakripisyo nito kay
Moira. Todo-bantay daw si Nick kahit three weeks na nasa ospital si Moira, pati na rin sa serye
ng clinical trials nito, pag-aalaga, at pagpapaligo rito.


Kahit naka-wheel chair si Moira, nakakakilos pa rin daw ito, pero hindi nakalalakad.


Buo ang tiwala ni Bunny na darating ang araw na may matutuklasang gamot para gumaling ang
anak at makapamuhay nang normal.


“I pray that Moira will continue to inspire other people. I pray for her safety always”, aniya pa.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...

Smart e-SIM, kaunaunahan sa Ph

INILABAS kahapon ng PLDT Inc. wireless unit Smart Communications Inc. (PLDT-Smart) angkaunaunahang prepaid SIM na may “embedded subscriber identity module” or e-SIM nakumbenyenteng magagamit...