2024 National budget, ipapasa na ng Kongreso

0

INAASAHAN ng House of Representatives (HR) ang pagpasa sa 2024 National Budget bago
dumating ang Oktubre.


“May balita na ang (Pangulong) BBM ay magsu-sumite ng ating 2024 (national) budget, isang
linggo pagkatapos ng SONA. Kapag nangyari po ‘yan, sigurado na tatapusin natin ‘yung budget
before the break, our October break,” ayon kay House Speaker Martin Romualdez.


Kamakailan, inaprubahan ng Pangulo ang panukalang ₱5.768-trilyong badyet, mas mataas ng 9.5
percent kaysa sa 2023 budget na ₱5.268 trilyon.


Ayon pa kay Romualdez, ang mababang kapulungan ay may tinatayang limang linggo para
magtrabaho at pagdebatihan ang national budget.

Idinagdag pa niya na ang mabilis na pagpasa nito ay magbibigay nang pagkakataon sa Pangulo na malagdaan ito sa darating na Disyembre.

About Author

Show comments

Exit mobile version