Ronaldo Valdez viral video: 2 Pulis, kakasuhan na?

ILALABAS na ang desisyon ng pamilya ni Ronaldo Valdez kung kakasuhan nga nila ang
dalawang pulis na diumano’y nag-upload ng sensitibong video ni Valdez, matapos
itong matagpuang patay sa kanyang sariling silid.


Nakikipagpulong na raw sina Janno Gibbs, anak ni Ronaldo, sa kanilang counsel na si
Atty. Lorna Kapunan.


Nanatiling tikom ang bibig ni Janno magmula nang namatay ang kanyang ama — na
isang mapait na trahedyang sinapit ng pamilya — pati na rin ang pambabastos ng
ibang tao sa kanyang ama sa social media.


Naghihintay ang showbiz industry, pati na rin fans sa official statement in Janno na
malamang gagawin sa Miyerkules, Enero 17 — ang unang buwan ng aniversaryo ng
kamatayan ni Valdez.

Kaugnay nito, tinanggal na sa pwesto ng QCPD sina P/Sr. Master Sgt. Wilfredo Calinao
at P/Cpl. Romel Rosales, mga imbestigador sa kaso, na diumano’y nag-upload nang
sensitibong video sa social media.


Baka madamay din ang maraming iresponsable vloggers na nanira kay Janno at sa
pamilya Gibbs sa pamamagitan nang pagpo-post ng fake at malisyosong balita.

IBA PANG BALITA

Ilegal na bentahan ng LPG sa Rizal nabisto, 3 arestado

NABISTO ang ilegal na bentahan ng liquefied petroleum gas (LPG) sa Rodriguez, Rizal matapos magsagawa ng test-buy operations ang mga otoridad noong Miyerkules, Mayo 6,...

TESDA, STI nag-kolab para sa libreng AI training

ISANG kolaborasyon sa pagitan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at STI College (STI) ang nabuo upang itatag ang Artificial Intelligence (AI)...

Pinoy na jobless bumaba sa 2.58M nitong Marso 2026

NITONG nakaraang buwan ng Marso 2026, ang bilang ng mga Pilipino na walang trabaho ay nasa 2.58 milyon, mas mababa sa 2.66 milyon noong...

‘Training-to-Trabaho’ caravan ng TESDA patok sa Cebu

MAY kabuuang 811 Cebuanos ang naserbisyuhan ng Technical Education and Skills Development (TESDA) sa pamamagitan ng Kayang Kaya All-in-One Caravan na ginanap sa SM...

DWWW’s George Castro: Oldies but Goldies

WEIRDO! Ito ang tawag ng kanyang friends sa isang teenage fan ni George Castro, DJ ng DWWW, dahil mahilig itong makinig ng oldies but goldies...