Panibagong usapang pangkapayapaan sa NPA, ekis kay Teodoro

WALANG negosasyong magaganap sa isinusulong na panibagong usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at New Peoples Army (NPA), ayon kay Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr.

“Hindi. Tutol tayo sa anumang usapang pangkapayapaan sa NPA,” ang sagot ni Teodoro sa tanong kung payag ba ang pamahalaan na makipag-usap sa mga rebelde.

Ayon kay Teodoro, handa na ang Philippine Army na harapin ang planong imbestigasyon ng senado sa nangyaring sagupaan noong Abril 19 sa pagitan ng mga rebelde at tropa ng pamahalaan sa Toboso, Negros Occidental.

“Ang mga Filipino ay payapa na. Sila itong nanggugulo sa kapayapaan, kaya bakit tayo makikipag-usap sa kanila? Sila itong gumagawa ng krimen,” dagdag pa ng kalihim.

Matatandaan na 19 ang patay sa nangyaring sagupaan at giit ng mga rebelde, may mga nadamay na sibilyan ngunit pinasinungalingan naman ito ng pamahalaan at sinabing nakipagbarilan ang mga sinasabing sibilyan.

“Gumagawa sila ng krimen at terorismo, ganun lang kasimple. Kaya ang panawagan ng usapang pangkapayapaan ay nangangahulugan lamang na lehitimo ang kanilang ipinaglalaban, at iyon ang hindi ko matatanggap,” ayon pa kay Teodoro.

Show comments

LATEST STORIES

DOLE files motion to lift injunction on NCR wage hike

THE Department of Labor and Employment (DOLE) has taken decisive legal action to defend the stalled ₱85 minimum wage increase for workers in Metro...

Foreign national wanted for human trafficking falls in EPD dragnet

A wanted person facing charges for violation of the Anti-Trafficking in Persons Act of 2003 was arrested by operatives of the Mandaluyong City Police...

12 arrested in Pasay anti-fixing crackdown; two LTO officials relieved and facing charges

TWELVE individuals, including two Land Transportation Office (LTO) personnel, were arrested in a joint entrapment operation in Pasay City on August 14, as part...

Malacañang orders alternative work schemes in Metro Manila, 14 provinces due to heavy ‘Habagat’ rains

GOVERNMENT offices across Metro Manila and 14 nearby provinces have been directed to implement alternative work arrangements on Tuesday, August 18, following continuous heavy...

DepEd seeks to turn surplus farm produce into hot school meals under expanded feeding program

THE Department of Education (DepEd) is taking steps to curb local food waste while boosting student nutrition by integrating surplus farm produce into its...