2 kelot laglag sa ₱374K shabu sa Taguig

Laglag sa kamay ng anti-criminality operation ng Taguig City Police Substation 3 ang dalawang lalaki matapos mahulihan ng illegal na droga sa ikinasang Oplan Galugad sa kahabaan ng Sunflower St., Panam Village, Barangay Pinagsama, Taguig City.

Nakilala ang mga suspek na sina Ian Jay Yañez y Caballero, 20-anyos at  Darwin Mutuc y Martinez 34-anyos, ang kapwa nahuli bandang 2: 40 kamakalawa ng madaling araw na nang sitahin at kapkapan ay nahulihan ng shabu.

 Nakumpiska mula sa mga suspek ang 13 piraso ng transparent plastic sachets na naglalaman ng  shabu na may timbang na 55 gramo at nagkakahalaga ng ₱374,000.00.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Taguig City Police Custodial Facility at kapwa sinampahan ng kasong paglabag sa Section 11, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...