Sidecar driver nalambat  sa  buy bust

0

 Nalambat ng mga tauhan ng Station Drug Enforement Unit (SDEU)  ng Navotas Police ang isang pedicab driver matapos bentahan ng shabu ang isang pulis sa ikinasang buy bust operation at makuhanan  ng P27,000 halaga ng shabu sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.

 Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes ang naarestong suspek na si Ponciano Bolito alyas Waray, 3-anyos, residente ng Takino St., Brgy. Bangkulasi.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Cortes na nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba SDEU hinggil sa umano’y pamamayagpag ng suspek sa pagbebenta ng shabu at front lang umano nito ang pagiging pedicab driver kaya isinailalim nila ito sa validation.

Nang makumpirma ang ulat, ikinasa ng mga operatiba ng SDEU sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Cpt. Genere Sanchez ang buy bust operation kung saan isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon sa suspek ng P500 halaga ng shabu.

 Matapos tanggapin ng suspek ang marked money mula sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad lumapit ang back-up na operatiba saka inaresto si Bolito, dakong alas-3:05 ng madaling araw sa sa Gurami St., Brgy. NBBS Kaunlaran.

 Nakumpiska sa suspek ang limang transparent plastic sachets na naglalaman ng humigi’t kumulang 4.1 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P27,880 at P500 bill na ginamit bilang buy bust money.

 Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

About Author

Show comments

Exit mobile version