Handa na ang SM malls, Robinsons para sa BSKE

0

SINABI ni Comelec spokesperson Atty. John Rex Laudiangco na handa na ang 11 SM at Robinson’s
malls na pagdarausan ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre 30.


Kabilang dito ang dalawang malls sa Cebu at isa sa Legaspi at Bicol, at walo pa sa Metro Manila –
kasama ang Robinsons Galleria at SM Fairview.


“Sakaling maging maganda ang resulta ng mall voting ngayong BSKE, maaaring gawin na ito sa buong bansa tuwing magdaraos halalan sa malls, “ saad ni Laudiangco.


Idinagdag pa niya na mas madaling puntahan ang matatagpuan sa sentro ng populasyon ang malls, bukod sa malamig, may mga guwardiya, at maayos ang lugar, na pabor sa mga botante.
Samantala, mayroong early voting sa sa Muntinlupa at Naga para sa Senior Citizens. mga buntis, at PWDs.


Ayon kay Muntinlupa City Election Officer Atty. Kimberly Joy Alzate-Cu, pwede ang PWDs, seniors, at mga buntis na bumoto sa kani-kanilang presinto magmula 5:00 a.m. – 7:00 a.m.


Makatutulong daw ito para maiwasan ang pagsisiksikan ng mga botante sa regular na voting hours magmula 7 a.m. hanggang 3 p.m., Oktubre 30.


Hindi kasama ang overseas voting ng OFWs at mga Pilipinong nagtatrabaho sa iba’t ibang embahada at konsulada sa ibang bansa dahil pwede lang silang bumoto sa national positions.


Ayon pa kay Laudiangco pagbabasehan ang resulta ng eleksyon sa Oktubre kung gagawin nang
automated ang susunod na BSKE elections sa Disyembre 2025.


Samantala, sinabi ng Comelec aabot sa 34,000 na botante na nasa loob ng 6-kilometer danger zone ng Mayon Volcano ang ililipat sa ligtas na lugar na kung saan, pwede silang bumoto nang ligtas.

About Author

Show comments

Exit mobile version