Tiyuhin arestado sa panggagahasa ng pamangkin sa Pasig

0
Si alyas "Jojo" na inakusahan ng panggagahasa sa pamangkin ng kaniyang kinakasama. (Photo: Pasig PNP)

WALANG palag na sumama sa mga awtoridad ang isang lalaki matapos itong arestuhin sa bisa ng isang warrant of arrest sa kasong panggagahasa, Enero 22, 2025 sa Mt. Banahaw Bldg. ng Eusebio BLISS sa Westbank Road Floodway sa Brgy. Maybunga, Pasig City.

Sa ulat na nakarating kay PCol. Hendrix Mangaldan, chief of police, kinilala ang suspek na si alyas “Jojo,” 46 na taong gulang at residente rin ng nasabing barangay.

Batay sa imbestigasyon, limang ulit na ginahasa ng suspek ang 17-anyos na biktima at pamangkin ng kaniyang kinakasama, Hulyo noong nakaraang taon.

Agad na isinumbong ng biktima ang mga pangyayari sa tiyahin nito na agad namang nagsuplong sa pulisya na nagresulta sa pag-isyu ng warrant of arrest ni Hon. Jesus Angelito Huertas, Jr., Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 261 sa Pasig City.

Matapos ang masusing pagmamanman, agad na natukoy ng mga pulis ang kinaroroonan ng suspek at agad na inihain ang nasabing warrant of arrest.

Ayon pa kay Mangaldan, kasong Five Counts of Rape sa ilalim ng Article 266-A in relation to Article 266-B ng Revised Penal Code as amended by RA 8353 ang haharapin ng suspek at walang piyansa na inirekomenda.

Pansamantalang nakapiit sa ngayon ang suspek sa custodial facility ng Pasig City Police Station at naghihintay ng karagdagang kautusan mula sa korte.

About Author

Show comments

Exit mobile version