MALAKI ang pasasalamat ng isang kolektor ng bayad sa mga inorder na gulay makaraang mahulugan siya ng ₱30,000 bayad at napulot ng nagpapatrulyang pulis na kung saan ay isinaoli sa kanyang amo, kamakalawa sa Balintawak Market, Quezon City.
Sa report ng District Tactical Motorized Unit (DTMU) personnel, nagsasagawa sila ng routine patrol duty sa kahabaan ng Edsa/ Balintawak nang mapansin ang isang blue plastic bag at nang pinulot ay naglalaman ito ng ₱30,000.00 cash at isang identification card ng Edgar Osila.
Agad na inimbestigahan ang pangulan sa ID at nakilalang taga-Balintawak Market ang may-ari at nagtatrabaho sa palengke.
Nabatid na si Osila ay errand boy na nangongolekta ng bayad sa vegetable business ng isang negosyanteng si Rhea Bernardo at sinabing kolektor niya sa Osila at nahulugan umano ito ng koleksyon.
Malaki ang pasasalamat ni Bernardo sa QC cops dahil naibalik sa kanya ang pera na nawala na sana ng kanyang errand boy.