Nadakip ng Taytay Police ang suspek na halos 16 taon nang nagtatago sa kinahaharap na patung patong na kaso ng panggagahasa at child abuse at tinaguriang Most Wanted person ng Calabarzon.
Kinilala ang akusado na si alyas Dante, 33-anyos, residente ng Barangay San Juan Taytay, Rizal.
Ikinasa ang manhunt operation ng pinagsanib na pwersa ng Taytay MPS, PIU-Rizal PPO, PIT-Rizal RIU at Rizal Provincial Mobile Force Company noong February 27, 2024 bandang alas-9:40 ng gabi sa Bautista St., sa nasabing barangay.
Sa ngayon ay nakakulong sa Taytay Custodial Facility ang akusado para sa tamang disposisyon at pagproseso ng kaso.
Related Posts:
Aktor huli sa estafa
P200-k, pabuya para mahuli ang nagnakaw ng iphone – Nieto
Training ng AFP officers sa China, ihihinto na
Pulis hinuli ng kabarong MPD sa kasong homicide
Rapist na trike driver laglag sa Antipolo Police
Nasawi sa Davao landslide umabot na sa 54
Siga sa Pasig kalaboso sa droga, baril
2 tricycle driver na tirador ng cable wire sa Malabon, arestado
About Author
Show
comments