‘Hotmeals on Wheels’ ng Red Cross umarangkada sa Laguna

0
Isang Red Cross volunteer ang namamahagi ng pagkain sa mga residenteng apektado ng bagyong Aghon sa Laguna. (Photo: PRC)

HUMIGIT kumulang 1,000 katao sa lalawigan ng Laguna na apektado ng bagyong Aghon ang nahatiran ng tulong ng Philippine Red Cross (PRC) partikular na ang pamamahagi ng pamatid-gutom na lugaw at tubig.

Sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, hindi nagpatinag ang mga boluntaryo ng Red Cross at ipinagpatuloy nito ang pamamahagi ng pagkain sa mga residente ng Barangay Dos sa Calamba City, Laguna.

Sa ulat ng PRC, nasa 165 namang indibiduwal ang binigyan ng tulong sa Brgy. Bungkol habang 114 iba pa ang mula naman sa Brgy. Sabang na kapuwa sakop ng bayan ng Magdalena.

Nasa 52 indibiduwal naman ang nabigyan ng tulong sa M. Lanuza Elementary School sa Brgy. Buboy sa bayan ng Pagsanjan habang nasa 52 indibiduwal din ang nahatiran ng tulong sa Calumpang Elementary School sa bayan naman ng Liliw.

Kasalukuyan na ring minomobilisa ang food trucks ng PRC para mamahagi ng hotmeals sa mga apektado ng bagyo sa iba pang lugar sa Timog Katagalugan.

Samantala, inaalalayan din ng Red Cross ang na-stranded na mga pasahero sa mga pantalan ng Surigao del Sur sa Mindanao hangga’t hindi pa pinapayagan ng mga otoridad ang pagbiyahe sa mga karagatan.

About Author

Show comments

Exit mobile version