Anak ng retiradong propesora, nagsalita na; mabilisang aksyon ng PNP, ipinagpasalamat

COP, DEU CHIEF NG IMUS POLICE 8 PANG PULIS SIBAK

0

IPINAGPASALAMAT ni Juan Caoile, anak ng retiradong propesora na dinakip ng Imus Police, matapos sibakin sa puwesto ang hepe ng Station Drug Enforcement Unit (DEU) at 8 mga operatiba.

Ayon kay Caoile, kaagad na nakipag-ugnayan sa kaniya si Police Colonel Christopher Olazo, director ng Cavite Police Provincial Office, at sinabing ni-relieved na ang mga tauhan ng DEU kasama na ang hepe nito at ganun din ang Chief of Police ng Imus Police Station.

Idinagdag pa ni Caoile na tumungo na rin sa opisina ng Internal Affairs Service (IAS) ng Philippine National Police (PNP) upang opisyal na sampahan ng kaso ang mga sangkot sa di-umano’y pagnanakaw ng mga kagamitan sa kanilang bahay.

Pinahalagan din aniya nilang magkapatid na pinahintulutan ni Olazo ang kaniyang ina na tumungo sa piskalya upang pormal na makapag-file ng reklamong robbery.

Ngunit nilinaw ni Caoile na wala sila sa drug watch list ng barangay ayon na rin umano kay Chairman Jeffrey Aman.

Sa kabuuan, laking pasasalamat ng kanilang pamilya sa matitinong alagad ng batas sa mabilisang aksyon na ginawa matapos mag-viral ang video.

Matatandaan na noong Agosto 2, 2023, isinagawa ng Imus Police-DEU ang isang drug bust laban sa kanilang ina na isang retiradong propesora dahil nasa watch list umano ito ng barangay.

Hindi alam ng mga operatiba na palihim na naglagay ng CCTV si Caoile dahil may patiuna na aniya siyang alam na siya talaga ang “target” ng mga ito at hindi ang kaniyang ina.

Makikita sa video na niraransak ng mga operatiba ang pintuan ng bahay ng mga Caoile ngunit laking gulat ng gma netizen na isa-isang inilalabas ng mga pulis ang ilang bagong mga gulong ng motorsiklo at iba pa.

Sinabi ni Caoile na may balak di-umano siyang magtayo ng motorcycle shop kung kaya unti-unti na siyang namimili ng mga pupuwede niyang ibenta sa planong auto shop.

Humihingi din ng patawad ang anak ng retiradong propesora sa mga matitinong pulis na maaaring nasaktan sa kaniyang naunang pahayag dahil “tinira” niya ang kapulisan sa kabuuan.

About Author

Show comments

Exit mobile version