Sharon-Gabby reunion, tuloy

0

TULOY na tuloy ang reunion nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion!
Pero hindi po ito sa lovelife, kundi sa Dear Heart concert sa Oktubre.


Kung matatandaan, Dear Heart ang title ng kaunaunhang pelikula na pinagtambalan ng
dalawa noong 1981.

Ito ay umani ng mega hit sa box office at dinirek ni late Danny Zialcita for Sining Silangang Productions.


Kung super excited ang Sharon-Gabby, lalo na ang anak nilang si KC o Maria Kristina
Kassandra Concepcion.

Naibulalas pa nga niya, “I can feel that a lot of Filipinos around the world, together with me, would be so happy to witness this experience of seeing my Papa and Mama on stage.”

About Author

Exit mobile version