Pasok sa kulungan ang tatlo katao na pawang mga nasa listahan ng wanted persons list ng Quezon City Police District (QCPD) ang nalambat at hinainan ng Warrant of Arrest sa kinahaharap na kaso sa magkakahiwalay na lugar sa Quezon City.
Kaya naman pinarangalan ni QCPD Director, PBGen. Redrico A. Maranan, ang mga tauhan ng Batasan Police Station (PS 6), District Special Operations Unit (DSOU) at Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) sa pagkakahuli sa tatlong Most Wanted Persons (MWPs).
yesterday, September 12, 2023.
Sa report ni PLtCol. Paterno Domondon Jr., Station Commander ng Batasan Police Station (PS 6), naaresto ang No. 5 MWP na si Jayvel Vitales, 39-anyos, sa kanyang bahay sa Davao St., Phase 4, Lupang Pangako, Brgy. Payatas, Quezon City bandang 11:00 Martes ng gabi.
Si Vitales ay may pending Warrant of Arrest sa kasong Act of Lasciviousness na inisyu ni Hon. Lily Ann Marcos Padaen, Presiding Judge ng Branch 13, Family Court, National Capital Judicial Region, Quezon City.
Sa report naman ng District Special Operations Unit (DSOU) sa pamumuno ni PMaj. Jun Fortunato ay inihain ang Warrant of Arrest sa No. 9 District Level MWP na si Maribeth Albano, 52-anyos, residente ng Ilang-Ilang St., Almar Subdivision, Caloocan City.
Inaresto si Albano bandang 4:00 ng hapon sa loob ng QC-BJMP Female Dormitory, Camp Karingal, Quezon City dahil sa Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na inisyu ni Hon. Elvira D.C. Panganiban, Presiding Judge ng Branch 227, Regional Trial Court (RTC), Quezon City.
Inaresto naman ang 26-anyos na si Mike Joshua Munieza, residente ng Mapagbigay St., Brgy. Pinyahan Quezon City at listed bilang No. 1 District Level MWP na inaresto ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) sa ilalim ni PMaj. Don Don Llapitan.
Si Munieza ay mayroong pending Warrant of Arrest sa kasong Rape ma inisyu ni Hon. Lily Ann Marcos Padaen, Presiding Judge ng Branch 13, Family Court, National Capital Judicial Region, Quezon City.
Malaki ang tiwala ni DD Maranan sa kapulisan ng QCPD kaya naman umaasa ito na magagawa nila ng ma ayos ang kanilang mga trabaho bilang public servant.
“Patuloy tayong magbabantay at magsasagawa ng mga operasyon laban sa mga may atraso sa batas para mapanatili ang Kaayusan, Kapayapaan at Kaligtasan ng ating komunidad.” Sa aking minamahal na QCitizens, makakaasa kayo na ang inyong kapulisan ay uunahin ang inyong kaligtasan sa bawat oras.” ayon kay PBGEN Maranan.