2 Bigtime tulak, 26 iba pa nalambat ng NCRPO sa loob ng 24 ORAS 

Share

Umaabot sa 26 mga pasaway sa illegal na droga, kabilang ang dalawang bigtime drug pusher ang nalamat ng mga tauhan ng Regional Drug Enforcement Unit (RDEU) ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa ikinasang magkakasunod na buy bust operation at Oplan Galugad sa loob lamang ng 24-oras at umaabot sa P2,136,920 halaga ng droga ang nakumpiska.

Kaya naman pinuri ni NCRPO Chief PMajor General Melencio Nartatez Jr., ang mga operatiba  at personnel ng RDEU sa matagumpay na pagkakumpiska sa mahigit dalawang milyong halaga ng ipinagbabawal na droga sa loob lamang ng 24 oras na operasyon at pagkakaaresto sa mga bigtime suspek.

Ayon sa ulat ng NCRPO umaabot sa 26 ang naaresto sa loob ng 24-oras at bukod pa sa dalawang suspect na kapwa lumabag sa Republic Act 9165 o paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.

Sa 26 na naaresto nakakumpiska ang mga RDEU ng 124.2 gramo ng ipinagbabawal na droga na nagkakahalaga ng P776,920 00 at ang P1,360,000.00 na nagkakahalaga lahat sa P2,136,920.

BASAHIN  Most wanted ng Antipolo nasakote

Naaresto ng RDEU at Pasay City Police Station, Station Drug Enforcement Unit ang dalawang bigtime suspek na sina Marlyn Joey Gatchalian y Aceveda, 31-anyoa at John Ronald Baltazar y Abustan, 21-anyos, kapwa residente ng Pasay City.

inaresto ang dalawang suspek bandang 8:00 Linggo ng gabi sa Taft Avenue matapos ang naganap na transaksyon sa pagbili ng shabu na kung saan ay kumagat sa pain ng mga pulis ang suspek sa isinagawang drug buy bust operation.

Nakumpiska mula kina Gatchalian at Baltazar ang 200 gramo ng  shabu na may market value na umaabot sa P1,360,000.00.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek habang hinihintay ang pagdinig sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs.

IBA PANG BALITA

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...

New chemotherapy center opens in Rizal

TAYTAY, Rizal — In a major breakthrough for local healthcare, the Taytay Chemotherapy Center has officially opened its doors on L. Wood St., Brgy....

Toyota, ipinatitigil ang shipment ng Daihatsu

Ipinatitigil ng Toyota Motor Co., (TMC) Japan nitong Miyerkules ang shipment ng lahat ng yunitm ng Daihatsu matapos madiskubre ang pandaraya sa resulta ng...