3 wanted kulong sa QC

Pasok sa kulungan ang tatlo katao na pawang mga nasa listahan ng wanted persons list ng Quezon City Police District (QCPD) ang nalambat at hinainan ng Warrant of Arrest sa kinahaharap na kaso sa magkakahiwalay na lugar sa Quezon City.

Kaya naman pinarangalan ni QCPD Director, PBGen. Redrico A. Maranan, ang mga tauhan ng Batasan Police Station (PS 6), District Special Operations Unit (DSOU) at Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU)  sa pagkakahuli sa tatlong Most Wanted Persons (MWPs).

 yesterday, September 12, 2023.

Sa report ni PLtCol. Paterno Domondon Jr., Station Commander ng Batasan Police Station (PS 6), naaresto ang No. 5 MWP na si Jayvel Vitales, 39-anyos, sa kanyang bahay sa Davao St., Phase 4, Lupang Pangako, Brgy. Payatas, Quezon City bandang 11:00 Martes ng gabi.

Si Vitales ay may pending Warrant of Arrest sa kasong Act of Lasciviousness na inisyu ni Hon. Lily Ann Marcos Padaen,  Presiding Judge ng Branch 13, Family Court, National Capital Judicial Region, Quezon City.

Sa report naman ng District Special Operations Unit (DSOU) sa pamumuno ni PMaj. Jun Fortunato ay inihain ang Warrant of Arrest sa  No. 9 District Level MWP na si Maribeth Albano, 52-anyos, residente ng Ilang-Ilang St., Almar Subdivision, Caloocan City.

Inaresto si Albano bandang 4:00 ng hapon sa loob ng QC-BJMP Female Dormitory, Camp Karingal, Quezon City dahil sa Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na inisyu ni  Hon. Elvira D.C. Panganiban, Presiding Judge ng Branch 227, Regional Trial Court (RTC), Quezon City.

Inaresto naman ang 26-anyos na si Mike Joshua Munieza, residente ng Mapagbigay St., Brgy. Pinyahan Quezon City at listed bilang No. 1 District Level MWP na inaresto ng   Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) sa ilalim ni  PMaj. Don Don Llapitan.

Si Munieza  ay mayroong pending Warrant of Arrest sa kasong  Rape ma inisyu ni  Hon. Lily Ann Marcos Padaen, Presiding Judge ng Branch 13, Family Court, National Capital Judicial Region, Quezon City.

 Malaki ang tiwala ni DD Maranan sa kapulisan ng QCPD kaya naman umaasa ito na magagawa nila ng ma ayos ang kanilang mga trabaho bilang public servant.

“Patuloy tayong magbabantay at magsasagawa ng mga operasyon laban sa mga may atraso sa batas para mapanatili ang Kaayusan, Kapayapaan at Kaligtasan ng ating komunidad.” Sa aking minamahal na QCitizens, makakaasa kayo na ang inyong kapulisan ay uunahin ang inyong kaligtasan sa bawat oras.” ayon kay PBGEN Maranan. 

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...