Tangkang pagpaslang kina kasambahay Elvie Vergara, Dodong, napigilan

0

MARIING kinondena ni Senador Francis Tolentino ang tangkang pagpatay kina Elvie Vergara, at
alyas Dodong, noong umaga at gabi ng Setyembre 13, sa Batangas City at Occidental Mindoro.


Sa kanyang opisyal na pahayag, sinabi ni Tolentino, “Kinokondena ko ang tangkang pagpaslang
kay Alyas Dodong kagabi, Sept 13, 2023, sa Paluan, Mindoro Occidental, na tetestigo sa kasong
dinidinig ng Senate Committee on Justice and Human Rights. Gayon din ang pagpunta ng mga
armadong lalaki sa bahay ng biktimang si Elvie Vergara sa Batangas City kaninang umaga, Sept. 13, 2023. Ako po ay nakipag-usap na kay PNP Regional Director Gen. Joel Doria para tugisin ang
mga salarin at maprotektahan si Dodong kagabi. Atin din pong pangangalagaan ang seguridad ni
Elvie Miranda.”

Ayon sa ulat, dalawang hindi pa nakikilalang gunmen na naka-bonnet ang nagpaputok ng baril kay alyas Dodong, gabi ng Setyembre 13, samantalang may umaali-aligid na mga lalaki sa bahay ni Vergara, sa umaga ng araw ding iyon.


“Nakipag-coordinate ako kay General Joel Doria, PNP Regional Director 4B, 9pm kagabi at
secured na si Dodong,” ayon pa sa Senador.


Si Tolentino, bilang chairman ng Senate Committee of Justice and Human Rights, ang siyang
nangunguna sa imbestigasyon laban sa mag-asawang France at Pablo Ruiz at kapamilya nito dahil
sa labis na pang-aabuso kay Vergara na siyang naging dahilan nang pagkabulag nito.


Matatandaang, ayon sa salaysay ng kasambahay na si Vergara, siya raw ay nabulag at nabungi
dahil sa labis na pagmamalupit ng pamilya Ruiz, ang kanyang mga amo, sa loob ng tatlong taon.


Nakapag-file na rin ng kasong kriminal si Vergara laban sa mga Ruiz sa Batangas City Prosecutor’s
Office.

About Author

Show comments

Exit mobile version