Binata pinagbabaril ng riding-in-tandem sa Pasig

Share

ISANG 29-anyos na binata ang pinagbabaril ng mga hindi pa nakikilang suspek habang ito ay nagbi-bisikleta sa kahabaan ng Luis Street sa Barangay San Miguel.

Ayon sa ulat ni PCapt. Richard Tomas, Commander ng Sub-station 6 kay PCol. Hendrix Mangaldan, Chief of Police ng Pasig City, dakong alas-11 kaninang umaga nangyari ang nasabing insidente.

Kinilala ang biktima na si Julius Gutierrez, jobless, walang asawa, at nakatira sa Arboleda Compound, Brgy. San Miguel habang tinutugis pa ang mga suspek.

Ayon sa mga nakasaksi, habang binabagtas ng biktima ang nasabing kalsada ay sinusundan umano ito ng mga suspek at kaagad na pinagbabaril ang binata.

BASAHIN  Wanted sa Muntinlupa City, arestado sa Parañaque

Kaagad namang isinugod sa Pasig City General Hospital (PCGH) ang duguang biktima at binigyan ng paunang lunas.

Ayon sa attending physician na si Dr. Audrey Balad, nasa stable condition na ang biktima ngunit kinailangan pa umanong operahan si Gutierrez sa likod ng kanang balikat nito na tinamaan ng bala.

Sinabi naman ni PCapt. Jean Aguada, tagapagsalita ng Pasig PNP, kasalukuyan pa nilang inaalam ang motibo ng nasabing pamamaril.

IBA PANG BALITA

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...

New chemotherapy center opens in Rizal

TAYTAY, Rizal — In a major breakthrough for local healthcare, the Taytay Chemotherapy Center has officially opened its doors on L. Wood St., Brgy....

Markadong High Value Individual na mag-live-in partner tiklo sa damo

KULUNGAN ang bagsak ng mag-live-in partner na markado bilang High Value Individual (HVI) matapos makuhanan ng mahigit ₱67,000 halaga ng marijuana kamakalawa ng gabi sa...