33.4 C
Manila
Monday, June 23, 2025

Top 6 wanted ng Makati, nasakote

Isa na namang wanted na kabilang sa wanted list ng Makati City Police ang nasakote matapos hainan ng warrant of arrest sa kasong illegal na droga.

Kinilala ng Makati City’s Top 6 Most Wanted Persons (TTMWP) ang suspek na si Oliver Jose y Olis, 32-anyos na hinainan ng warrant of arrest  na inisyu ni Honorable Judge Jacob Macalla Montesa II, Presiding Judge ng Regional Trial Court (RTC)  Branch 63 ng Makati City na may petsang July 21, 2023, at walang inirekomendang piyansa.

Inaresto si Jose ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena section ng Makati City Police kasama ang  personnel ng West Rembo Police Station bandang 1:30 ng hapon sa Orkidia St., Brgy. Rizal, Makati City.

BASAHIN  2 high value tulak nasakote sa ₱476-K shabu sa Pasig

Nahaharap sa kasong paglabag sa  Section 11 Article II ng RA 9165 docketed under Criminal Case Nos. R-MKT-23-00903-CR ang suspek na si Jose.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Station Custodial Facility ng Makati City Police Station.

BASAHIN  Menor-de-edad na wanted sa panghahalay sa Pasig tiklo

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

818,000FansLike
50FollowersFollow
93,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA