Driver-bodyguard na sangkot sa missing beauty queen, sumuko na

Share

LUMUTANG kahapon sa Balayan, Batangas Police Station si Jeffrey Magpantay, 33, isa
sa mga suspek sa pagkawala ni Catherine Camilon, 26, teacher at dating beauty
pageant contestant.


Una nang naireport ng kanyang mga kaanak ang pagkawala ni Camilon noong Oktubre
12, 2023.


Si Magpantay — ang umano’y driver-bodyguard ni Police Major Allan De Castro —
ang itinuro ng isang testigo na isa sa tatlong lalaking naglipat kay Camilon mula sa
Nissan Juke nito patungo sa isang pulang Honda CRV. Tinutukan daw umano ang
testigo ng baril ng isa sa tatlong lalaki.


Kasama ni Magpantay na sumuko ang kanyang live-in partner na si Strawbery Erilla
kahapong magta-tanghali.

BASAHIN  High Value Individual, timbog sa 'shabu' sa Taguig


Boluntaryo raw sumuko si Magpantay ayon kay Lt. Col. Chitadel Gaoiran, Calabarzon
police spokesperson.


Matatandaang kinasuhan ng kidnapping at illegal detention sa Batangas Provincial
Prosecutor’s Office noong Nob. 2023 sina Major Allan de Castro (diumano’y
karelasyon ni Camilon), Magpantay, at dalawa pang John Does.


Ang lalaking may tattoo na nagtutok daw ng baril sa testigo ay kinalaunang nakilala na
si Magpantay base sa rogue gallery ng pulisya.


Inaasahan ng pulisya na mabibigyang-linaw na ang pagkawala ni Camilon dahil sa
pagsuko ni Magpantay.

IBA PANG BALITA

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...

New chemotherapy center opens in Rizal

TAYTAY, Rizal — In a major breakthrough for local healthcare, the Taytay Chemotherapy Center has officially opened its doors on L. Wood St., Brgy....

Implementasyon ng PUV modernization program, dapat munang ipagpaliban –Pimentel

Posibleng mawalan ng kapayapaan at pagkakaisa sa sektor ng transportasyon sakaling ipilit ng gobyerno ang consolidation ng mga lumang jeepneys para sa tuluyang implementasyon...