NASUNGKIT ni John Lloyd Cruz ang Premio Boccalino d’Oro (Golden Jug Award) sa 76th
Locarno Film Festival, Switzerland sa kanyang papel sa pelikulang Essential Truths of the
Lake.
Ikalawang Pilipino si Cruz na makatanggap ng award. Noong 2014, hinirang na best
actress si Hazel Orencio sa isa pang Lav Diaz masterpiece, Mula sa Kung Ano ang Noon.
Ang Premio Boccalino d’Oro ay isang award na iginagawad ng Independent Critics Jury.
Ito raw ay isang espesyal at sobrang mahalagang award na iginagawad ng critics, scholars,
at experts sa pelikula sa buong Europe, ayon kay Diaz, direktor ng pelikula.
Ang pelikula ay tungkol sa buhay ng isang matinong pulis, si Lt. Hermes Papauran (John
Lloyd), na determinadong malutas ang pagpatay sa model na si Esmeralda Stuart (Shaina
Magdayao). Ang setting ng pelikula ay noong kasagsagan ng drug war sa ilalim ng Duterte
Administration.
Ayon kay Tirso Cruz III, chair, Film Dev’t. Council of The Philippines, “This award is much
deserved by an artist of his caliber. Lloydie, congratulations and thank you for bringing
honor to our country.”
Kasama nina John Loyd at Shaina na nagpunta sa festival sina producers Bianca
Balbuena, Brad Liew, at Joaquim Sapinho, at ilang miyembro ng team.