Miss grand PH candidate Catherine camilon nawawala!

Share

PATULOY na hinanap ng mga awtoridad si Catherine Camilon, ang dating candidate ng Miss
Grand Philippines.


Inireport ng kanyang inang si Rose Camilon na nawawala ang kanyang anak magmula pa nitong
Oktubre 12.


Ang 26-taong gulang na beauty queen ay huling na-contact ng kanyang ina, alas-otso ng gabi
nitong Oktubre 12.


“Ang huling sabi niya (Catherine) sa akin inaantay niya ‘yung kasama niya sa isang gasoline
station sa Bauan, Batangas,” ayon kay Mrs. Camilon, sa isang interview ng CNN Philippines
kahapon. Idinagdag pa niya na hindi niya maalaala ang pangalan ng kasamang babae ng
kanyang anak.


Minamaneho ni Catherine ang kanyang kotseng Nissan Juke ng araw na siya ay iniulat na
nawawala.

BASAHIN  Tumaas sa 18,200, mga napatay sa Gaza


Si Catherine ang kinatawan ng Tuy, Batangas sa Miss Grand Philippines 2023 nang nakaraang
Hulyo, na kung saan si Nikki de Moura ng Cagayan de Oro ang kinoronahan.


Ayon sa kapatid ni Catherine na si Chin-Chin, palaging siyang nagpo-post sa kanyang
Facebook page para humingi ng tulong sa nawawala niyang kapatid.


Nakikiusap ang pamilya Camilon na kung sino man ang nakaaalam kung nasaan si Catherine,
ipadala ang mensahe sa Facebook page ni Chin-Chin , o kontakin ang Tuy, Batangas police
station, o kahit na saang police station sa lugar na nakita si Chatherine.

IBA PANG BALITA

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...

New chemotherapy center opens in Rizal

TAYTAY, Rizal — In a major breakthrough for local healthcare, the Taytay Chemotherapy Center has officially opened its doors on L. Wood St., Brgy....

US$50-M: Para sa renewable energy ng bansa – Malaysia, PH

PALALAKASIN ng US$50 milyon ng Malaysian investment ang sektor ng renewable energy sabansa, matapos ang state visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Malaysia...