Chairman Goitia: “Katotohanan ang sandata laban sa kasinungalingan ng Tsina.”

Share

SA isang eksklusibong panayam, sinabi ni Dr. Jose Antonio Goitia, Chairman Emeritus ng apat na makabayan at pang-sibikong organisasyon na hindi lamang labanan ng mga barko at coast guard ang nangyayari ngayon sa West Philippine Sea.

Ayon kay Goitia, isa rin itong labanan ng mga naratibo, at sa digmaang ito ng mga salita, nagsasagawa ang Tsina ng agresibo at may pondo na propaganda laban sa sambayanang Pilipino.

Sinabi pa ni Goitia na inaatake ang soberanya ng Pilipinas sa dalawang larangan: una, ang pisikal na panlulusob ng mga barko ng Tsina sa loob ng ating 200-nautical-mile Exclusive Economic Zone; at ikalawa, ang walang humpay na pagbaha ng maling impormasyon na layong hatiin ang mga Pilipino at sirain ang tiwala sa pamahalaan.

“Nais ng Tsina na magtanim ng pagdududa sa isipan ng ating mga kababayan. Gusto nilang maramdaman ng mga Pilipino na tayo’y maliit, mahina, at walang magawa upang tayo’y sumuko—hindi sa dahas ng armas, kundi sa pagsuko ng diwa,” diin ni Goitia.

“Kaya’t ang katatagan ng Pangulo sa pagsasabing hindi tayo susuko ay hindi lamang pulitikal na pananalita. Isa itong sikolohikal na kontra-atake,” giit pa ni Goitia.

Tinukoy niya ang mga ulat na may humigit-kumulang 12,000 Chinese maritime militia, mga bangkang pangisda, coast guard, at barkong pandigma ng hukbong dagat ng Tsina na pumapasok sa karagatang sakop ng Pilipinas.

“Hindi ito normal na aktibidad. Ito ay pananakot. Ito ay pamimilit. Sinusubok ng Tsina ang tibay ng loob ng sambayanang Pilipino,” dagdag pa niya.

Naniniwala si Goitia na ang kanyang papel, kasama ng iba pang makabayang tinig, ay tumulong sa Pangulo na puksain ang propaganda na bahagi ng agresyon ng Tsina.

Bilang beterano sa larangan ng pampublikong komunikasyon, nakikita niya ang pangangailangan ng tuloy-tuloy at magkakaugnay na naratibo na magbubunyag sa mga ginagawa ng Tsina para sa kaalaman ng sambayanang Pilipino at pandaigdigang komunidad.

Agad din niyang ipinaabot ang buong suporta sa sektor ng pambansang depensa—mula sa Department of National Defense sa pamumuno ni Kalihim Gilbert “Gibo” Teodoro, kay National Security Adviser Eduardo Año, hanggang sa matatapang na miyembro ng Philippine Coast Guard at Armed Forces of the Philippines.

BASAHIN  BI: “Backdoor” exit, ilegal, mapanganib

“Sila ang kalasag ng Republika,” saad ni Goitia. “Sila ang humaharap sa panganib upang ang iba sa atin ay mamuhay nang payapa. Bawat Pilipino ay may utang na hindi lamang pasasalamat kundi aktibong suporta sa lahat ng paraan.”

“Kailangan nating lunurin ang kasinungalingan gamit ang katotohanan, at dapat natin itong sabihin nang malinaw, tuloy-tuloy, at walang pag-aalinlangan,” paliwanag niya.

“Bawat mangingisdang inaabuso, bawat patrol na sinusundan, bawat bahurang inaagaw—dapat itong idokumento, ipaalam sa publiko, at kondenahin sa pinakamalakas na paraan,” giit pa ni Goitia.

Binigyang-diin din ni Goitia na hindi lamang pamahalaan ang may tungkulin sa paglaban sa maling impormasyon nanawagan sa mga Pilipino na makibahagi sa pambansang depensa ng impormasyon.

Nang tanungin kung paano niya nakikitang makikipagtulungan kay Pangulong Marcos sa larangang ito, malinaw ang kanyang tugon.

“Mayroon nang diplomatic at military machinery ang Pangulo upang igiit ang ating karapatan sa karagatan. Ang misyon ko ay patatagin ang kumpiyansa ng publiko, tiyakin na walang Pilipinong mabibighani sa maling naratibo ng Tsina, at panatilihing mapagmatyag ang ating mamamayan. Isa itong digmaan ng salita, at dapat natin itong labanan nang kasing-tindi ng pagbabantay natin sa ating karagatan,” saad pa ni Goitia.

Para kay Goitia, walang kapalit ang nakataya kundi ang kaluluwa ng bayan. “Kapag kinuha nila ang ating karagatan, kukunin nila ang ating kinabukasan. Kapag kinuha nila ang ating kwento, kukunin nila ang ating pagkakakilanlan. Hindi natin dapat pahintulutan na mangyari ang alinman sa dalawang iyon,” pagtatapos ni Goitia.

Si Dr. Jose Antonio Goitia ay Chairman Emeritus ng apat na makabayan at pang sibikong organisaeyon na kinabibilangan ng Alyansa ng Bantay sa Kapayapaan at Demokrasya (ABKD), People’s Alliance for Democracy and Reforms (PADER), Liga Independencia Pilipinas (LIPI), at Filipinos Do Not Yield (FDNY) Movement.

IBA PANG BALITA

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...

New chemotherapy center opens in Rizal

TAYTAY, Rizal — In a major breakthrough for local healthcare, the Taytay Chemotherapy Center has officially opened its doors on L. Wood St., Brgy....

Nominasyon sa 2 visual artist para maging national artist ikakasa ng Angono LGU

IKAKASA ng lokal na pamahalaan ng Angono sa lalawigan ng Rizal ang nominasyon sa dalawang visual artist nito upang maging national artist. Ayon kay Mayor...