SI Dr. Fe Del Mundo ang kaunaunahang Asian at babae na tinanggap sa Harvard Graduate School of Medicine noong 1936, makaraang makapagtapos siya ng medisina sa University of the Philippines noong 1933, bilang class valedictorian.
Si Del Mundo ay nakagawa ng iba’t ibang imbensyon at innovation sa loob ng 70 taong paglilingkod bilang pediatrician.
Ibinuhos niya ang kanyang talento at kahusayan bilang manggagamot para sa kalusugan at
pagliligtas-buhay ng mga bata sa mundo.
Kahit mapanganib, bumalik siya sa Pilipinas noong World War II, at nagtayo ng children’s ward sa isang Japanese internment camp at nagsilbing direktor ng Manila Children’s Hospital.
Noong 1957, itinatag niya ang Children’s Medical Center Foundation (CMDF). Dinala ng CMDF ang
pangangalagang medikal sa kanayunan na walang doktor, iniligtas ang buhay ng maraming mga sanggol at bata mula sa iba’t ibang sakit, at nagtayo ng family planning clinics.
Binigyang kredito si Del Mundo sa kanyang pag-aaral na nagsilbing daan para maimbento ang incubator.
Inimbento rin niya ang jaundice relieving device, cloth-suspended scale, at radiant warmer na malawakang ginamit noon sa mga kanayunan.