12-anyos mula Palawan pinakabatang may HIV

Share

ISANG 12-anyos mula sa lalawigan ng Palawan ang pinakabatang naiulat na nasuri na may human immunodeficiency virus o HIV, ayon sa pinakahuling ulat ng Department of Health (DOH).

Ayon pa sa karagdagang datos mula sa kagawaran, mayroong 56 bagong kaso ang naiulat bawat araw mula Enero hanggang Marso ngayong taon, isang 500% na pagtaas ng HIV cases sa mga kabataang edad 15-24.

Dahil dito nagpahayag ng pangamba ang Commission on Population and Development (CPD) na nakakaalarma na ang paglobo ng HIV cases sa bansa lalo na’t karamihan sa mga nahawaan ay mga kabataan.

Karaniwan na, ayon sa CPD, naililipat ang HIV sa karaniwang pakikipagtalik ng lalaki sa babae ngunit nagbago ito tungo sa pakikipagtalik ng lalaki sa kapuwa lalaki o males having sex with males (MSM) mula pa noong 2007.

Idinagdag pa ng Komisyon na isa pang nakakaalarma ay ang pagtaas din ng bilang ng mga kabataan edad 10-14 taong gulang ang nabubuntis, mula 2,411 noong 2019 tungo sa 3,343 noong 2023.

Iginiit ngayon ng Commission on Population and Development ang isang “whole-of-society approach” upang malutas ang problemang ito na kinakaharap ng ating bansa.

Ilan sa mga dahilan, ayon pa sa Komisyon, ay ang kakulangan ng tamang impormasyon may kinalaman sa safe sex, HIV prevention, at paggamit ng kontraseptibo.

BASAHIN  ‘Serbisyo Caravan’ ng PCUP ikakasa sa 6 pang lalawigan kasama ang iba pang ahensya

Pinatunayan ito ng 2021 Young Adult Fertility and Sexuality Study (YAFS5) na wala anilang materyal na napagkukunan ng impormasyon ang mga kabataan tungkol sa pakikipagtalik at sinundan naman ito ng maling impormasyon sa social media.

“Ang kapakanan ng ating mga kabataan kung saan nakadepende ang ating kinabukasan ay nanganganib kung hindi mabigyan ng solusyon ang kanilang sexual at reproductive health,” ang pahayag ni CPD Executive Director Usec. Lisa Grace Bersales.

Ayon pa kay Bersales, nakikipag-ugnayan na ang Komisyon sa mga lokal na pamahalaan upang mapalaganap ang adolescent health programs tulad ng ‘Parent-Teen Talk,’ ‘I Choose #MalayaAkongMaging,’ at ‘ProtectTEEN,’ isang social protection program para sa mga batang-ina at kanilang mga anak.

“Nananawagan kami sa mga guro, institusyon, lokal na pamahalaan, lalo na sa mga magulang at pamilya at iba pang stakeholders na samahan kami sa paglutas sa kritikal na isyung ito. Tiyakin natin na ang bawat kabataan ay maprotektahan,” dagdag pa ni Usec. Bersales.

Isinusulong din ng CPD na ang bawat lokal na pamahalaan ay magtayo ng mga ‘teen centers’ sa kanilang lugar at maisama ito sa kuwalipikasyon upang makamit ng mga LGU ang “Seal of Good Local Governance.”

LATEST STORIES

LTFRB issues show cause orders to 21 bus and uv express operators over violations

THE Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) has ramped up its enforcement efforts across Metro Manila, issuing 21 Show Cause Orders (SCOs) to...

Angara backs proposed law to institutionalize comprehensive campus safety

EDUCATION Secretary Sonny Angara has expressed full backing for Senate Bill No. 2426, or the proposed Comprehensive School Safety Act, authored by Senate Committee...

Malacañang reallocates executive office furniture to four Rizal public schools

IN a bid to maximize government resources and upgrade public school infrastructure, the Office of the President (OP) has transferred executive office furniture and...

DepEd launches AI-powered Project LIGTAS+ to safeguard schools and cut learning loss

IN a major effort to shield students from chronic disruptions caused by natural disasters, the Department of Education (DepEd), under Education Secretary Sonny Angara,...

DTI, TikTok Shop, Converge Forge Partnership to Empower MSMEs Online

THE Department of Trade and Industry (DTI), TikTok Shop, and Converge SME Solutions have formalized a strategic tripartite partnership to accelerate the digital transformation...

120 young talents ng TESDA-NCR makikipagtagisan para sa ‘WorldSkills PH 2026’

UMABOT sa 120 young talents mula sa Technical Education and Skills Development Authority–National Capital Region (TESDA NCR) ang makikipagtagisan ng kanilang talento para sa...