HomeFeature StoryMay Right Timing! Lalaki,...

May Right Timing! Lalaki, nag-propose sa kanyang girlfriend sa Love Booth ng MRT-3

Hindi pa man sumasapit ang February 14, napuno na ng kilig ang love booth ng Department of Transportation Metro Rail Transit Line-3 (DOTr MRT-3), matapos na mag-propose ang isang lalaki sa kanyang girlfriend sa Ayala Station sa Makati City.

Kasabay ito ng paglulunsad ng DOTr ng “Love Train” para sa nalalapit na pagdiriwang ng Araw ng mga Puso.

Agaw-eksena ang surpresang proposal ni Mac Tolentino sa kanyang nobya na si Yen Flores, lalo pa’t nasa photo booth sila, kung saan tampok ang Valentine’s Day decorations.

Nabatid na may ibang plano si Mac para sa proposal kasama ang ilang kaanak at kaibigan, subalit hindi na niya nakayanan at isiniwalat na ang kanyang nararamdaman sa kasintahan.

BASAHIN  Ilang bahagi ng ₱17-B 2024 budget ng Pasig LGU nakalaan para tugunan ang mga problema sa komunidad

Lalo namang nagpakilig sa mga nakasaksing pasahero nang sagutin ni Yen ng matamis na “oo” si Mac.

BALITANG NASYUNAL

spot_img

METRO MANILA

BALITANG PROBINSYA

POLICE REPORT

IBA PANG MGA BALITA