BREAKING NEWS: Zaldy Co, arestado na sa Prague

Share

Kinumpirma ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Huwebes ng gabi, April 16, 2026, na nasa kustodiya na ng mga awtoridad sa Prague, Czech Republic ang puganteng dating mambabatas na si Elizaldy “Zaldy” Co.

Ayon sa Pangulo, nadakip si Co matapos itong pumasok sa nasabing bansa nang walang maipakitang sapat na dokumentasyon.

“He is now detained in Prague after crossing into the Czech Republic without proper documentation and is currently in the custody of Czech authorities,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Tiniyak ng Malacañang na nakikipag-ugnayan na ang gobyerno ng Pilipinas sa Czech government upang ayusin ang pagpapauwi sa dating mambabatas sa lalong madaling panahon.

“We are in close coordination with the Czech government to ensure that all legal processes are followed and to arrange for his return to the Philippines at the soonest possible time,” dagdag ng Pangulo.

BASAHIN  AFP: Napaslang na aktibistang UP student sa NegOcc ‘armado,’ may 'combat rig'

Si Co, na dating kinatawan ng Ako Bicol Party-list at dating Chairman ng House Appropriations Committee, ay nahaharap sa mga kasong graft at malversation. Ito ay may kaugnayan sa bilyun-bilyong pisong maanomalyang flood control projects na nadiskubre noong nakaraang taon.

Naging mailap si Co sa batas simula pa noong huling bahagi ng 2025, kung saan huling namataan ang bakas nito sa Sweden at Portugal bago ang pagkakadakip sa kanya ngayong araw sa Czech Republic.

Inaasahang sasailalim sa matinding imbestigasyon ang dating mambabatas pagdating sa bansa kaugnay ng mga kinasangkutang kontrata sa ilalim ng Sunwest Group of Companies at iba pang alegasyon ng budget insertions. (AR BERNARDO)

IBA PANG BALITA

Libreng ICT, AI training hatid ng TESDA at int’l partners

MAKAKATANGGAP na ng libreng online training sa digital, entrepreneurship at artificial intelligence (AI) ang mas maraming Pilipino hatid ng Technical Education and Skills Development...

‘Oplan Balik Eskuwela 2026’ kasado na, ayon kay Angara

KASADO na ang “Oplan Balik Eskuwela” (OBE) ngayong taon, ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara upang pabilisin ang proseso ng enrollment,...

Panukalang online voting ng Senado pinangangambahan ng House panel

NANGANGAMBA ngayon ang House prosecution team sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa panukala ng Senate majority na...

Online program para sa ‘early childhood care’ inilunsad ng TESDA

INILUNSAD ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang online program courses nito kaugnay sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Services NC...

10 sasakyan nagkarambola sa Rizal, isa dedo 4 sugatan

SAMPUNG sasakyan ang nagkarambola sa nangyaring road crash incident sa kahabaan ng Mayon Avenue, Brgy. San Jose, sa bayan ng Rodriguez, alas-8 ng gabi...

Eddie Garcia Bill maipapasa na ng Senado —Jinggoy

NAKATAKDA nang ipasa ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa sa susunod na linggo ang Eddie Garcia Bill, ayon kay Senador Jinggoy Estrada. Sakop nito...