Martin Romualdez inihalal muli bilang House speaker

Share

DAHIL walang lumaban, awtomatikong panalo na si Congressman Martin Romuladez ng Unang Distrito ng Leyte bilang Speaker of the House of Representatives sa isinagawang botohan sa pagbubukas ng ika-20 Kongreso.

Bago nito, napabalitang lalabanan siya nina Congressman Albee Benitez ng Bacolod City, Congressman Toby Tiangco ng Navotas City at Congressman Duke Frasco ng Cebu bilang ika-aapat sa pinakamataas na puwesto sa gobyerno.

Sa ginanap na botohan, minabuti ng tatlo na mag-abstain—pero kasabay nito ng pagsasabing hindi rin sila kasama alinman sa minorya o mayorya, na pinaniniwalaang posibleng magsasama-sama ang tatlo upang bumuo ng independent minority bloc sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

BASAHIN  Nuclear energy, susi sa murang kuryente at matatag na ekonomiya — Cojuangco

Sa kabuuan, 269 mambabatas ang bumoto pabor kay Romualdez, 34 ang nag-abstain at ang ilan tulad nina Davao City First District Rep. Paolo Duterte, 2nd District Rep. Omar Duterte, PPP Partylist Rep. Harold Duterte at Davao City 3rd District Rep. Isidro Ungab ay nagwalk-out bago magsimula ang botohan at nanatiling independiyente.

Inihalal naman sina Quezon province 2nd District Representative Jay-jay Suarez bilang Deputy Speaker at Majority Leader naman si Ilocos Norte 1st District Representative Sandro Marcos.

IBA PANG BALITA

Libreng ICT, AI training hatid ng TESDA at int’l partners

MAKAKATANGGAP na ng libreng online training sa digital, entrepreneurship at artificial intelligence (AI) ang mas maraming Pilipino hatid ng Technical Education and Skills Development...

‘Oplan Balik Eskuwela 2026’ kasado na, ayon kay Angara

KASADO na ang “Oplan Balik Eskuwela” (OBE) ngayong taon, ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara upang pabilisin ang proseso ng enrollment,...

Panukalang online voting ng Senado pinangangambahan ng House panel

NANGANGAMBA ngayon ang House prosecution team sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa panukala ng Senate majority na...

Online program para sa ‘early childhood care’ inilunsad ng TESDA

INILUNSAD ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang online program courses nito kaugnay sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Services NC...

10 sasakyan nagkarambola sa Rizal, isa dedo 4 sugatan

SAMPUNG sasakyan ang nagkarambola sa nangyaring road crash incident sa kahabaan ng Mayon Avenue, Brgy. San Jose, sa bayan ng Rodriguez, alas-8 ng gabi...

Most wanted person timbog sa Valenzuela

Kulungan ang bagsak ng isang lalaki na may kinahaharap na kasong attempted murder, matapos ang halos walong taon pagtatago ay nalambat sa  isinagawang manhunt...