Sigalot sa lupa sa Taguig City

Share

NITO lamang Lunes, Abril 13, 2026, anim katao ang inaresto ng mga otoridad sa nangyaring demolisyon sa Panday Creekside sa Barangay Palingon, Taguig City.

May ilan sa mga pulis at anim din na mga miyembro ng demolition team ang nasugatan sa nasabing insidente bandang alas-10 ng umaga kung saan itinuturo na ang pambabato ay nagmula sa panig ng 2,000 mga residente na apektado.

May mga impormasyon tayong nakuha mula sa mapagkakatiwalaang source kung saan ang nasabing sigalot ay sa pagitan ng pribadong may-ari ng lupa at mga informal settlers o urban poor.

Taong 2011 pa pala ang kaso sa Regional Trial Court (RTC) at noong 2023 ay naglabas na ng pinal na disisyon ang mismong Korte Suprema pabor sa may-ari ng lupa.

Ibig sabihin, hindi masasabing “kawawa” ang mga urban poor dahil sa buong proseso, sila ay may representasyong legal o abogado at napangalagaan ang kanilang karapatan sa ilalim ng batas.

Ang nangyaring demolisyon ay ipinatupad lamang ng RTC matapos ibalik sa kanila ang kaso upang ipatupad ang naging pinal na desisyon ng Katas-taasang Hukuman.

Noong nakaraang taon 2025 ay naglabas na rin umano ang RTC ng writ of execution kung kaya hindi masasabing biglaan ang pagpapatupad dahil kung tutuusin ay 2023 pa ang desisyon ng Korte Suprema.

Sa pagsisiyasat natin, ang nasabing lupain ay nabili na ng isang kompanya at dahil sila na ang legal na may-ari, karapatan nilang mapakinabangan na ito.

BASAHIN  ‘Safe City Initiative’ ng Rizal PNP epektibo

Ano naman ang naitulong ng lokal na pamahalaan ng Taguig?

Nakipag-usap pala ang LGU sa may-ari ng lupa na ibenta na lamang ito sa mga residente. Pero dahil pribado niya itong pagmamay-ari kung kaya may karapatan siya kung kailan at kanino niya ibebenta ang lupa.

Sinikap pa nga umano ng LGU na kung puwede ay mabigyan man lamang ng financial assistance ang mga tao ngunit dahil napakinabangan na rin daw ng mga ito ang lupa kung kaya’t hindi na niya ito obligasyon at iginalang naman ito ng lokal na pamahalaan.

Sa dahilang ito, naglaan ang lokal na pamahalaan ng libreng transportasyon sa paglipat ng mga apektadong pamilya, food packs, medical assistance at psychosocial support.

Oo nga pala. Bilang paglilinaw ng ating source, iba pala ito sa kaso ng demolisyon sa Western Bicutan dahil pagmamay-ari pala ang lupain ng gobyerno kaya nagbigay ng 18,000 financial assistance ang LGU sa nagkusang i-demolish ang kanilang bahay (self-demolish) at 22,000 naman bawat pamilya bilang financial assistance.

Sa nangyaring dalawang demolisyon may tinulungan din na mga pamilya at indibiduwal ang LGU para sa balik-probinsiya program ng pamahalaang nasyunal.

Ikaw ka-BRABO, Anong Take Mo Rito?

LATEST STORIES

LTFRB issues show cause orders to 21 bus and uv express operators over violations

THE Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) has ramped up its enforcement efforts across Metro Manila, issuing 21 Show Cause Orders (SCOs) to...

Angara backs proposed law to institutionalize comprehensive campus safety

EDUCATION Secretary Sonny Angara has expressed full backing for Senate Bill No. 2426, or the proposed Comprehensive School Safety Act, authored by Senate Committee...

Malacañang reallocates executive office furniture to four Rizal public schools

IN a bid to maximize government resources and upgrade public school infrastructure, the Office of the President (OP) has transferred executive office furniture and...

DepEd launches AI-powered Project LIGTAS+ to safeguard schools and cut learning loss

IN a major effort to shield students from chronic disruptions caused by natural disasters, the Department of Education (DepEd), under Education Secretary Sonny Angara,...

DTI, TikTok Shop, Converge Forge Partnership to Empower MSMEs Online

THE Department of Trade and Industry (DTI), TikTok Shop, and Converge SME Solutions have formalized a strategic tripartite partnership to accelerate the digital transformation...

Online sellers, bubuwisan na ng BIR

NAIS ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na singilin ng one percent withholding tax ang lahatng online selling platforms. Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui...