33.4 C
Manila
Saturday, November 23, 2024

₱2.5-M ‘shabu’, nasabat sa Caloocan City

Dalawang tulak ng iligal na droga ang naaresto ang nadakip ng mga otoridad sa ikinasang buy-bust operation ng Caloocan City Police, kahapon ng madaling araw sa Bagong Silang.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Adrian” 32-anyos, promodiser ng isang supermarket, residente ng Phase 9 Package 7 Bagong Silang, Brgy. 176 at alyas “Anthony Kulot”, 42-anyos, residente ng Gaya-Gaya Heroes Village, Bulacan.

Nabatid na kabilang ang dalawa sa listahan ng high value individual (HVI).

Dakong 12:44 kahapon ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng buy bust operation sa Robes 1, Brgy. 175, Camarin, kung saan naganap ang transaksyon makaraang tanggapin ang ₱29,000 boodle money na may kasamang isang tunay na ₱1,000 na marked money bilang buy-bust money kapalit ng ibinentang shabu sa isang pulis na nagpanggap na buyer.

BASAHIN  Pebrero 16, idineklarang special non-working holiday sa Caloocan City

Nakumpiska mula sa mga suspek ang humigi’t kumulang 375.6 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱2,554,080, maging ang buy bust money at isang paper bag.

Nahaharap ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Article II ng R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Acts of 2002.

BASAHIN  Mahigit ₱80-K halaga ng iligal na droga, nasabat sa Malabon City

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA