Ang jeep ay hindi flat nose, baby bus, o coaster – Tolentino

Share

NANGUNA nitong Lunes si Senador Francis “Tol” Tolentino sa panawagan nang
pagpapanatili ng iconic na disenyo ng jeepney sa harap ng PUV modernization
program ng gobyerno.


Sa kanyang pahayag sa mga residente ng lalawigan ng Rizal — ang tahanan ng
pinakamalalaking jeepney manufacturers sa bansa — idiniin ni Tolentino ang
kahalagahan ng jeepney sa paghubog nang pagkakakilanlan nating mga Pilipino.


“Ang unang una pong haharapin ng ating kababayan ay yung February 1 kung saan
ipagbabawal na po yung jeep. Ako po ay sang-ayon sa modernization pero hindi po
ako sang-ayon doon sa baguhin yung jeep na gawing flat nose, na gawing baby bus, na
gawing coaster,” ayon kay Tolentino sa TUPAD emergency employment program sa
Barangay Sto. Niño, San Mateo, Rizal.

BASAHIN  Philippine Red Cross magpapadala ng 228 winter tents para sa mga biktima ng lindol sa Turkey, Syria


“Ang jeep po ay’yung mahaba ang nguso, ang jeep po ay ‘yung may kabayo sa harap,
ang jeep po ay may gulong sa tagiliran ng driver kung saan puwedeng ilabas yung
kaniyang siko, ang jeep po yung mayroong nakikitang kahoy na kahon sa harap

[na lalagayan ng ibinayad na pamasahe], ang jeep po ay yung nasa likod ‘yung
daanan,” pagdiriin ng senador.


Idiniin pa ni Tolentino ang di-matatawarang papel ng jeepney sa pambansang
transportasyon, pati na rin ang makasaysayan at kultural na kahalagahan nito lalo na
sa mga Pilipino. Dapat daw balansehin ng gobyerno ang modernisasyon kasabay nang
pagpapanatili ng mahalagang pamana ng ating mga ninuno.

IBA PANG BALITA

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...

New chemotherapy center opens in Rizal

TAYTAY, Rizal — In a major breakthrough for local healthcare, the Taytay Chemotherapy Center has officially opened its doors on L. Wood St., Brgy....

Accreditation ng fire volunteers hihigpitan na—Abalos

ITO ang iniutos kahapon ni Sec. Benjamin Abalos ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Bureau of Fire Protection (BFP). Ginawa ni...