Implementasyon ng PUV modernization program, dapat munang ipagpaliban –Pimentel

Share

Posibleng mawalan ng kapayapaan at pagkakaisa sa sektor ng transportasyon sakaling ipilit ng gobyerno ang consolidation ng mga lumang jeepneys para sa tuluyang implementasyon ng PUV modernization program.

Ito ang ibinabala ni  Senate Minority Leader Koko Pimentel, kasabay nang paggiit na hindi pa hinog o hindi pa handa ang naturang programa, kaya’t mainam aniya na huwag munang ituloy ng Department of Transportation ang implementasyon nito.

Paliwanag ng senador, sa ilalim ng programa ay kailangan pa ring umutang ng mga driver at operator kahit pa may maliit na bahagi rito na sasagutin ng gobyerno.

Iginiit pa ng Senate Minority Leader na isa sa kahinaan ng programa ay ang reklamo ng mga PUV driver at operator na hindi sila kinonsulta at hindi naipaliwanag sa kanila nang maayos ang proseso o magiging sistema nito, dahil ang kasalukuyang sistema na alam nila ay papasada sila araw-araw at tiyak ang cash flow o kita.

BASAHIN  Diskarte ng coops kung aling modern jeepneys ang bibilhin

Bukod dito, problema pa rin aniya ang route rationalization na hanggang ngayon ay hindi pa rin naisasa-ayos at posibleng nagkasanga-sanga na at hindi pa na-i-a-akma sa kasalukuyang programa.

IBA PANG BALITA

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...

New chemotherapy center opens in Rizal

TAYTAY, Rizal — In a major breakthrough for local healthcare, the Taytay Chemotherapy Center has officially opened its doors on L. Wood St., Brgy....

‘Yakap’ program ng PhilHealth umarangkada na sa Mandaluyong

UMARANGKADA na sa Mandaluyong City ang Yaman ng Kalusugan Program o YAKAP, isang programang pangkalusugan ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) hall bilang bahagi...