33.4 C
Manila
Saturday, November 23, 2024

Vice: ‘Mahalay’, ‘bastos’, ‘abusado’ – Enrile

“YOU’RE earning your living and popularity sa kabastusan!”
Ito ang banat ni Juan Ponce Enrile, chief legal counsel ng gobyerno laban kay Meme o Vice
Ganda sa kanyang programang Dito sa Bayan ni Juan ng SMNI news network nitong Sabado.


May kinalaman ito kinasangkutang cake-icing issue nina Vice at partner na si Ion Perez sa
programang It’s Showtime na ipinalabas noong Hulyo 25, 2023.


Isa sa mga pangunahing dahilan ang isyung ito – pati na rin ang pagdagsa nang reklamo ng mga
magulang sa MTRCB – kung bakit pinatawan ng 12-araw na suspensyon ang programa.


Ayon pa kay Enrile, “Hindi lang walang decency kundi abusado. Alam ko (kung paano)
mapagpatawa ‘yang binabanggit mo na babae [Vice] magmula pa ng araw, ganyan na ‘yan.”

BASAHIN  “Budots (sen. Bong) supalpal sa MTRCB”


Si Enrile ay kasalukuyang chief presidential legal counsel ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at
naglingkod din sa ama nito na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.


Si Enrile, na ngayo’y nasa edad 99, ang dating Martial Law administrator noong panahon ni
Marcos Sr. at humawak ng iba’t ibang matataas na posisyon sa gobyerno magmula pa noong
1960s.


Ayon sa ilang netizens, diumano, tila nabahag ang buntot ni Vice, dahil hindi na siya humirit o
gumanti sa banat ng dating Senate President, sa isang post na lumabas sa social media.


Higit na nakararami ang mga magulang, religious leaders, educators, at estudyante ang sumuporta kay Lala Sotto, chair ng MTRCB o Movies, Television, Review and Classification Board sa desisyon ng MTRCB board na patawan ng 12-araw na suspensyon ang It’s Showtime, kaysa supporters ni Vice na binabaliktad ang katotohanang “bastos at mahalay talaga ang cake-icing issue” sa It’s Showtime.

BASAHIN  35% ng ARMM Teachers, kulang sa reading skills!

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA