APAT katao ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng Station Drug Enforcement Team ng San Mateo Municipal Police Station (San Mateo MPS) sa Brgy. Guitnang Bayan 1, Abril 29, 2026 at nasamsam mula sa kanila ang higit ₱1 milyong halaga ng pinaghihinalaang shabu.
Kinilala ni PCol. Eleazar Barber Jr., provincial director ng Rizal Police Provincial Office (Rizal PPO) ang mga suspek na sina alyas Evelyn, 51; alyas Michael, 50; alyas Eryll, 26 at alyas Even, 22 na itinuturing na mga High Value Individuals (HVIs).
Sa pakikipagtulungan ng San Mateo MPS sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), nagresulta ang nasabing operasyon sa pagkaaresto at nasamsam sa apat na mga target ang 150.58 gramo ng shabu na may street value na ₱1,023,944.
Pansamantalang nakakulong ang mga suspek sa custodial facility ng San Mateo MPS at inihahanda na ang pagsasampa ng kasong RA 9165 o kilala sa tawag na Comprehensive Dangerous Drugs Art of 2002.

