INILATAG kahapon, Huwebes, ni Pasig City mayoralty aspirant Sarah Discaya ang kaniya plano na magkaroon ng One ID system para sa mga PasigueƱo.
Ayon kay Discaya, layon ng programang ito na mapabilis ngunit sa simpleng paraan maidadaan ang mga tulong at ayuda mula sa pamahalaang lungsod patungo sa mga kalipikadong residente nito.
Sinabi pa ng pilantropo na nais niyang mabilis makarating sa mga reisdente ang mga tulong medikal, pinansiyal na tulong at iba pang serbisyo na ilalaan ng pamahalaang lungsod.
“Habang papasok tayo sa taong 2025, aktibong binabago natin ang Pasig upang maging isang lungsod na inuuna ang pagiging episyente, mabilis, at moderno. Tinitiyak namin na walang PasigueƱo ang mahihirapan sa pagkuha ng mahahalagang serbisyo,ā ang pahayag ni Discaya.
Ang programang ito ay tatawaging āPasigueƱo Pamilya Tayoā na bahagi ng kaniyang plano na gawing moderno at isang āSmart Cityā ang Pasig sa unang bahagi pa lamang ng 2025.
āNakatuon kami sa paghubog ng hinaharap ng Pasigāisang lungsod na inuuna ang pagiging episyente, mabilis, at moderno. Layunin naming alisin ang mga hadlang na nararanasan ng bawat PasigueƱo sa pagkuha ng mahahalagang serbisyo,ā ayon pa kay Discaya.
āSa pamamagitan ng makabagong teknolohiya, ang programang ito ay magpapadali sa proseso ng pagbibigay ng tulong at suporta, upang ito ay maging mas epektibo at patas para sa lahat. Kaya naman, ikinagagalak naming ipakilala ang Pasig ID, na magsisilbing susi sa mas mabilis at sistematikong serbisyo at tulong,ā dagdag pa ng 48-anyos na negosyante.
Giit pa ni Discaya na maliban sa mga nauna ng nabanggit, dito rin sa One ID idadaan ang ragalong pang-holiday, gamit pang-eskuwela ng mga mag-aaral, food packs at iba pa.
āSa isang simpleng pag-scan lang ng nasabing ID, ang mga may hawak nito ay makikinabang agad sa libreng medical check-up, mga gamot at iba pang suporta medikal. Ang mahabang pila sa mga serbisyong panglungsod ay magiging alala na lamang ng nakalipas,ā giit pa ni Discaya.
Mahigpit na katunggali ng kasalukuyang alkalde na si Mayor Vico Sotto si Discaya.