Child Rights Network nagbabala laban sa vapedemic

Share

LUBHANG nababahala ang Child Rights Network (CRN) sa paglaganap ng mga gumagamit ng electronic cigarettes o vapes na kung saan tumataas na ang bilang ng kabataan na nalululong sa ‘vapedemic’ sa bansa.

Ang CRN ay isang alyansa ng mga kabataan na humihikayat sa pamahalaan na kontrolin ang paggamit ng sigarilyo, e-cigarettes at vape na nakasisira ng kalusugan kaya naman nakarating ang kanilang panawagan sa 10th session ng Conference of the Parties ng World Health Organization Framework Convention on Tobacco Control (WHO FCTC) sa Panama.

Nilinaw ni Rom Dongeto, CRN Convenor and Executive Director of the Philippine Legislators’ Committee on Population and Development, na concern sila sa public health issue ng Philippine delegation na kung saan isinusulong nila ang kapakanan ng mga kabataan laban sa paninigarilyo.

Base sa 2019 Global Youth Tobacco Survey, nasa 14% o isa sa bawat pitong kabataan na nasa edad 13 hanggang 15 ang gumagamit na ng vapes

Nabatid na nakatanggap ang bansa ng tatlong “Dirty Ashtray” awards dahil sa talamak na paglipana ng tobacco industry sa bansa.

Sinabi pa ni Dongeto na base sa survey ng Global Youth Tobacco, nakita na nasa 13-taong gulang pa lamang ay nalululong na ang ilang kabataan sa paninigarilyo partikular na ang e-cigarettes sa murang edad kaya nais nila na maghigpit ang pamahalaan sa pro-tobacco industry Vape Bill dahil lumalala na ito.

BASAHIN  Protest caravan ng grupong Manibela at PISTON, kasado na

“Vapes are like candies now. The pro-industry legislation has allowed a wider range of flavors and youthful packaging and marketing, lowered the age of access from 21 to 18, and eased restrictions under the guise of “harm reduction,” dagdag pa ni Dongeto.

Malaki umano ang impluwensya ng  tobacco industry sa kabataan na kung saan dahil sa ganda at kahit na anong linaw ng kanilang ads tungkol sa negatibong epekto ng paninigarilyo ay patuloy pa rin at marami ang nalululong.

Una nang nagbabala ang mga health experts sa maagang kahihinatnan ng paggamit ng vaping, kabilang na ang lung injuries, paghirap sa paghinga at nakababahalang pagtaas ng bilang ng kabataan na gumagamit ng vapes.

“Some smokers are merely transitioning to dual use, while the youth, previously unexposed to nicotine, are being lured into addiction,” ayon pa kay Dongeto.

Giit pa ni Dongeto na lubhang nalululong ang mga smokers at hindi nila napapansin na may kabataan na gumagaya sa kanila.

IBA PANG BALITA

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...

New chemotherapy center opens in Rizal

TAYTAY, Rizal — In a major breakthrough for local healthcare, the Taytay Chemotherapy Center has officially opened its doors on L. Wood St., Brgy....

Sari-sari stores, karinderya sa Marikina City, exempted sa business permit, tax

Nilagdaan ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro ang Ordinance No. 140 nitong Lunes, bilang tulong sa mga maliliit na negosyante na ngayon pa lamang...